KC Concepcion nagbahagi ng mga larawan ng unang katas ng kaniyang sweldo sa pag-aartista noon!



Si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion o mas kilala ng publiko bilang si KC Concepcion ay 34 na taong gulang na aktres, mang-aawit, songwriter, celebrity endorser, model, host, at dancer. Ilan sa mga proyekto na kaniyang pinagbidahan ay ang “For The First Time” (2008), “When I Met U” (2009), “Lovers in Paris” (2009), “Huwag Ka Lang Mawawala” (2013), “Ikaw Lamang” (2014). Kilala din siya bilang “National Ambassador Against Hunger of the United Nations’ World Food Programme”.



Siya ay anak ng sikat at beteranang aktres at mang-aawit na si Megastar Sharon Cuneta at aktor at matinee idol na si Gabby Concepcion. Siya rin ay “adopted daughter” ni Senator Francis Pangilinan matapos silang magpakasal ni Megastar. Labing tatlong taon matapos ang annulment ng kaniyang mga magulang ay muli silang nagkita ng kaniyang ama na si Gabby.


Nagtapos siya ng elementarya sa Saint Pedro Poveda College sa Mandaluyong. Taong 2003 naman nang magtapos siya sa International School Manila, at 2007 naman nang magtapos siya ng “bachelor’s degree in International Corporate Communications with a minor in Theatre Arts” sa “American University of Paris”.


Talaga namang isa siya sa pinakamatagumpay na personalidad ng kaniyang henerasyon. Hindi na nakapagtataka na marami na siyang naipundar mula sa pera na kaniyang pinaghirapan at pinagsumikapan. Isa na nga marahil dito ang kaniyang ibinahaging marawan ng unang katas ng kaniyang sahod bilang isang artista.


Ayon sa post ng dalaga, ang apartment na kaniyang naipundar sampung taon na ang nakalilipas mula sa kaniyang sweldo sa pag-aartista ay napapakinabangan pa niya ngayon at pinaparentahan. Sa ngayon ay handa na ito para sa kaniyang bagong tenant. Talaga namang proud na proud ang sikat na celebrity daughter dahil sa walang kahit piso na nagmula sa pera ng kaniyang mga magulang.



Talaga namang isang napakagandang inspirasyon ang pinakita ni KC para sa mga katulad niyang artista na nagsisimula pa lamang noon sa industriya ng show business at maging sa maraming mga anak na nais ding maging proud sa kanila ang kanilang mga magulang.

Source: Kami




error: Content is protected !!