Mikee Quintos ipinasilip ang kaniyang napakagandang bakasyon sa Palawan, umamin na mayroon na siyang nobyo!



Si Mikaela Marie Javier Quintos o mas kilala ng publiko bilang si Mikee Quintos ay 21 taong gulang na aktres at mang-aawit ng GMA network. Siya ay lubos na tumatak sa mga manunuod sa kaniyang natatanging pagganap sa television series na Encantadia bilang si Lira.



Siya ay isinilang sa Maynila sa kaniyang mga magulang na parehong pulitiko. Nagsimula siyang kumanta sa harap ng maraming mga tao sa edad na pitong taong gulang sa pangangampanya ng kaniyang mga magulang.


Mayroon siyang tatlong mga kapatid sina Loisa, Denise at Jodee. Kumukuha siya ng kursong “Architecture” sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nadiskubre siya sa YouTube at nabigyan ng pagkakataon na maging parte ng Encantadia na itinuturing niyang break-out role.


Kamakailan lamang ay ipinasilip niya sa publiko ang kaniyang naging bakasyon sa napakagandang isla ng Palawan. Umani ito ng sari-saring komento mula sa mga netizens. Talaga namang masaya ang aktres at nakahanap siya ng oras upang makapagpahinga kahit papaano sa napakagandang lugar ng Palawan. Hinangaan ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang kaniyang naging maikling bakasyon sa pamosong lugar. Ibinahagi ni Mikee sa kaniyang Instagram account ang mga larawan ng kaniyang bakasyon.


Ninais talaga ng aktres na makapagbakasyon siya dahil sa kabi-kabila niyang mga proyekto sa Kapuso network, isa na rito ang “The Gift” kasama si Alden Richards at “Studio 7”. Pinayuhan din ni Mikee ang kaniyang mga followers na okay lang naman gumawa o sumubok ng ibang mga bagay paminsan-minsan. Umamin din ito na mayroon na siyang non-showbiz boyfriend na isang Chinese.



Nagsisimula pa lamang sila sa kanilang relasyon at diumano ay kaka-graduate lang nito. Dagdag pa niya ayaw na muna niyang ipakilala sa publiko ang nobyo dahil gusto muna nilang samantalahin ang pagiging pribado ng kanilang relasyon. Talaga namang halatang-halata sa kaniyang mga mata ang kaniyang labis na kasiyahan sa piling ng kaniyang minamahal at sa naging maiksing bakasyon niya sa Palawan.




error: Content is protected !!