Sweet photos ni Clint Bondad kasama ang isang Thai transwoman umani ng sari-saring komento mula sa publiko!



Sa panahon ngayon napakarami nang mga bagay ang madali nating matutunan, matagpuan, at makita sa social media. Kadalasan na nagiging updated tayo sa mga kaganapan sa buhay ng mga paborito nating mga artista o personalidad. Ngunit marami din namang mga tao ang tila nagiging masyadong mapanghusga sa mga bagay o sa mga larawana na kanilang nakikita online. Kagaya na lamang ng mga larawan ng ilan sa mga kilalang personalidad sa industriya ng show business.



Naging viral sa social media ang larawan ni Clint Bondad at ni Anne Jakkaphong Jakrajutatip na isang bilyonaryong CEO mula sa Thailand. Ito ay matapos salubungin ni Anne ang Kapuso hunk actor sa pagbisita nito sa Thailand. Ang sweet na larawan nila na magkasama sa loob ng sasakyang “Tuktuk” ng Thailand ay nagdulot ng espekulasyon mula sa maraming mga netizens patungkol sa kanilang tunay na relasyon.




Ilan pang mga larawan ang ibinahagi ni Anne sa social media kung saan makikitang magkatabi sila ni Clint. Isa nga rito ang nilagyan pa niya ng caption na: “Thank You for accepting who I am. You are the great gentleman, my dear.”




Dahil dito ilang mga netizens ang nagtanong at nagbahagi ng kanilang mga komento kung sina Clint at Anne ay magkarelasyon. Mayroon namang ilang mga netizens ang tunay na sumusuporta sa kanilang dalawa kung sakaling sila nga ay nagkakamabutihan na. Mayroon namang ilang netizen ang nagkomento na si Clint ay nasa Thailand para magendorso ng isang produktong inisponsor ni Anne na isang bilyonaryong transwoman at CEO ng Thai Media Company na JKN Global Media Public Company Limited.




Para sa maraming mga netizens, ang pagkakamabutihan ng dalawa ay wala namang problema lalo na kung pareho naman silang single at talaga namang nagmamahalan. Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa magkabilang panig kung eksklusibo na nga bang nagdedate ang dalawa o kung sila nga ba ay magkarelasyon na.



Maaalalang si Clint Bondad ay isang modelo at aktor sa ilalim ng pamamahala ng GMA Network. Siya ay 25 taong gulang. Siya ay dating kasintahan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Source: Kami




error: Content is protected !!