Karla Estrada nagbahagi ng ilang mga larawan ng kaniyang bakasyon kasama ang “rumored boyfriend” nito



Si Carla Estrada Ford o mas kilala ng publiko bilang si Karla Estrada ay 44 taong gulang na aktres, mang-aawit at host ng Kapamilya network. Siya rin ang kilalang ina ng sikat na Kapamilya young actor na si Daniel Padilla. Dalawampung taong gulang si Karla noon nang isinilang niya si Daniel. Siya ang kaniyang panganayna anak ni Karla kay Rommel Padilla. Bukod kay Daniel ay mayroon pa siyang tatlong anak na sina Jose Carlito, Margaret at Carmella. Kamakailan lamang ay kinilig ang maraming mga netizens dahil sa mga larawang ibinahagi ni Karla sa social media kung saan mapapansing kasama niya sa kaniyang mga pinost na larawan ang kaniyang “rumored boyfriend”.



Nagbakasyon si “Queen Mother” sa Coron, Palawan kasama ang ilan niyang mga kaibigan kasama ang kaniyang “rumored boyfriend”. Bagamat walang kumpirmasyon mula sa host ng Magandang Buhay na si Karla ay marami na ang nakakapansin sa pagiging malapit nila sa isa’t-isa. Minsan pa ay nagbahagi siyang muli ng isang larawan nilang magkasama na mayroong caption na: “God’s amazing creation. #enchantingcoron #bananaislandlife #Happylife.”


Ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Karla ay nagkomento din sa kaniyang mga ipinost na larawan kagaya na lamang ni Tanya Montenegro na nagkomento na masaya siya para sa kaniyang kaibigan. Habang si Vina Morales naman ay tila kinikilig at nanunukso pa sa kaniyang komentong: “Ayan naman eh…” isang netizen pa nga ang nagkomento ng: “Naks! May love life na.” habang sina Dominic Roque naman na kaibigan ng kaniyang anak na si Daniel, si Sunshine Cruz at ilan pang mga netizens ang nagkomento ng kani-kanilang “heart emojis”.


Kahit pa nga wala pang kinukumpirma si Karla sa ngayon ay mayroong paunti-unting larawan na ibinabahagi si Karla sa publiko. Sa kaniyang Instagram story ay nagbahagi ito ng larawan nilang dalawa at mayroon din itong caption na: “Do not wait for anyone else’s approval. All you need is your own.” Sa pagsisimula ng taon ay ibinunyag ni Karla na hiwalay na sila ng kaniyang dating nobyo ng pitong taon.





error: Content is protected !!