Kilalanin natin ang napakaganda at napakatalentadong anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na si Jayda Avanzado!



Si Richelle Ann Mallari Loyola o mas kilala ng publiko bilang si Jessa Zaragoza ay 41 taong gulang na mang-aawit, aktres, TV host, commercial at print model. Siya ay kilala din bilang “Phenomenal Diva” at “Jukebox Queen of the 90s”.



Siya ay kinasal sa isa pang sikat na mang-aawit na si Dingdong Avanzado noong Marso 2001. Sila ay tinagurian ding “Prince of Pop”. Biniyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang Jayda. Sa ngayon ay gumagawa na rin ng sarili niyang pangalan si Jayda sa industriya ng show business.


Si Janelle Amanda Loyola Avanzado o mas kilala bilang si Jayda ay isa sa mga miyembro ng ASAP Squad kasama sina Ylona Garcia, Lala Vinzon, Kyle Echarri, at si Jeremy Ginoga. Siya rin ay tinaguriang “most followed young artist” sa industriya. Hindi na ito nakapagtataka dahil nasa dugo naman talaga nila ang magandang lahi. Mapapansin naman sa kaniyang mga magulang ang ganda at talento ng kanilang pamilya.


Siya ay lumaki sa pamilya ng mga mang-aawit kung kaya naman hindi na rin nakakagulat na maging mahusay siya sa larangan ng musika. Bukod pa nga sa angking kagandahan ng dalaga ay talaga namang mapapanganga ka sa lamig at ganda ng kaniyang boses. Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring dumarami ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta sa kaniyang pagpasok sa show business.
Ngunit sa kasamaang-palad ay tila hindi nga natin maiaalis ang mga taong hindi talaga magugustuhan ang isang tao kahit gaano pa ito kaganda, kahusay, at kabait dahil lamang sa katotohanan na ayaw talaga nila rito.



Naging maugong na usap-usapan ng publiko ang mga mapangahas na pahayag at pananalita ng mga bashers ni Jayde patungkol sa kaniya na talaga namang ikinalungkot, ikinadismaya, at ikinagalit ng kaniyang mga magulang. Hindi na napigilan pa ng ina na ipagtanggol ang kaniyang mahal na anak sa mga taong nais manakit dito.




error: Content is protected !!