Netizens, hinangaan ang mga bagong larawan ni “Carrot Man”, Jeyrick Sigmaton sa social media!



Si Jeyrick Sigmaton o mas kilala ng publiko bilang si “Carrot Man ay 25 taong gulang na modelo at isang internet sensation na sumikat at nakilala dahil sa mga larawan nito na kumalat sa social media. Siya ay miyembro din ng isang boy group na kilala bilang “FAB4Z”.



Apat sila sa grupo na kumakatawan sa Luzon, Visayas, Mindanao, at NCR. Dahil nga sa kamangha-mangha at tila bagyong pagsikat niya ay naging dahilan ito ng pagbabago ng kaniyang buhay. Sa unang mga larawan niya na pinagkaguluhan sa social media ay makikita ang kaniyang angking kagwapuhan at ang pagkakaroon niya ng makisig na pangangatawan.


Naitampok din ang kaniyang kwento noon sa isang Magazine show sa GMA network, ang “Kapuso Mo, Jessica Sojo” kung saan mas nakilala siya ng publiko. Mula dito ay nagkaroon na siya ng sunod-sunod na mga guesting sa “Sunday Pinasaya”, sa “Bubble Gang”, at marami pang iba.


Ilang taon na rin ang nakalilipas ng maging isa sa pinakatrending topic si Carrot Man. At ngayon nga ay muli na namang pinagkakaguluhan ang kaniyang mga larawan sa social media. Bukod sa pagiging miyembro niya ng isang boy group ay naging endorser na din siya ng isang sikat na clothing line. Bukod pa rito ay naging inspirasyon din siya sa kwento ng isang Pocket book.


Ilan sa mga bansa na kaniyang napuntahan ay ang United Kingdom, Singapore, Thailand, at Korea. Dati, mapapansin na mahiyain pa siya sa harap ng maraming tao ngunit kalaunan ay nagkaroon na din siya ng kumpiyansa sa kaniyang sarili.



Hindi lamang pala puro porma at pagwapo ang kaniyang pinagkakaabalahan dahil sa siya rin pala ang sumusuporta at nagpapa-aral sa kaniyang mga kapatid. Isa din siyang napakagandang inspirasyon para sa marami dahil sa hanggang ngayon ay nagpaplano pa rin siyang bumalik sa pag-aaral at makapagtapos. Talaga namang walang anuman o sinumang makakahadlang sa taong mayroong pangarap sa buhay.




error: Content is protected !!