Bagong bahay nina Dani Barretto at mister nitong si Xavi Panlilio nagbigay inspirasyon sa publiko!



Si Dani Barretto ay 26 na taong gulang na anak nina Marjorie Barretto at Kier Legaspi. Siya ay kilalang YouTuber, social media influencer, at vlogger. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang naging kasal ni Dani at Xavi. Sila ay ikinasal nito lamang Abril 2019.



At bukod sa kanilang kasal ay naging pagpapala din sa bagong kasal ang kanilang bagong silang na sanggol na pinangalanan nilang si Baby Millie at ang kanilang bagong tahanan na kasalukuyan nang ginagawa. Ika-22 araw ng Mayo nang magbahagi ng larawan si Dani sa kanilang social media account kung saan makikita siyang nakapasan sa kaniyang mister at mayroon ding caption ang kaniyang larawan na nagsasabing ang kanilang tinatapakang lupa ay ang lugar kung saan nila itatayo ang kanilang tahanan. “Standing on where our future house will be. Thank you, Lord!” Pahayag ni Dani.


Nang sumunod na buwan nga ay isinapubliko na rin nila na labis labis ang kanilang kagalakan dahil sa sila ay magkakaroon na ng anak na babae. Ika-13 ng Setyembre ng ikinasal ang dalawa. Naging inspirasyon sa maraming mga netizens ang larawan ng bagong tahanan ng mag-asawang Dani at Xavi. Tunay ngang kamangha-mangha ang mga taong nagsusumikap para sa kanilang pamilya at sap ag-abot ng kanilang pangarap.
Si Dani ay anak ng aktres at pulitiko na si Marjorie Bernandine Barretto.


Siya ay 45 taong gulang na. kapatid siya ng ilan pa sa mga sikat na personalidad sa industriya ng show business na sina Claudine at Gretchen Barretto. Ang kaniyang mga anak ay sina Julia Barretto, Dani Barretto, Claudia Barretto, at Leon Barretto. Si Julia, Claudia, at Leon Barretto ay anak ni Marjorie sa dating asawa na si Dennis Padilla habang si Dani Barretto naman ay anak nito sa dating nobyo niyang si Kier Legaspi na isa ring mahusay na aktor at kontrabida.

Source: Pep






error: Content is protected !!