Kilalanin natin ang mga naggugwapuhang anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino!



Si Victoria Lorna Aluquin-Fernandez o mas kilala ng publiko bilang si Lorna Tolentino ay 57 taong gulang na aktres, host, executive producer, at balo ng namayapang aktor na si Rudy Fernandez. Noong siya ay child star pa lamang ay nakilala din siya sa screen name na “Giselle” sa isang pelikulang pinagbidahan niya kung saan kasama niya si “Chiquito” na gumanap bilang isang ama na umampon sa kaniya. Biniyayaan sila ng dalawang mga anak, sina Raphael at Renz Marion.



Bata pa lamang ay madalas nang makikita ang dalawang batang ito kasama ang kanilang mga magulang sa harapan ng kamera. At ngayon nga na kapwa may edad na rin sila ay hindi pa rin sila napapagod na magpakahusay sa kanilang napiling larangan.

Kahit na nga mayroon na silang sariling mga buhay ay madalas pa rin nating nakikita silang dalawa na talaga namang malapit na malapit sa kanilang ina na si Lorna. Sa 25 taong pagsasama ng mag-asawang Rudy at Lorna ay talaga namang masayang masaya sila na biniyayaan sila ng dalawang mga anak.




Si Raphael “Rap” Gregor Fernandez ay ang panganay nilang anak na isinilang noong Disyembre 18, 1983. Naging parte din siya ng industriya ng show business kung saan siya ay nakilala bilang isang aktor at film director kung saan siya ay gumawa ng isang dokumentaryo na mayroong pamagat na “The Last Pinoy Action King” bilang isang pagkilala at pag-alaala sa kaniyang ama na si Rudy Fernandez.



Siya ay naging parte din ng pelikulang Kadugo, Salamin, at Serbisyong Bayan. Gumanap din siya sa Wansapanataym Presents: Buhawi Jack noong 2011. Ginampanan din niya ang karakter ni SPO4 Juanito Gapuz ng FPJ’s: Ang Probinsiyano. Isa pang anak nila ay sina Renz Marion na nagsimula bilang isang contract star ng ABS-CBN.

Taong 2013 naman nang gumanap siya sa TV series ng GMA na Prinsesa ng Buhay Ko bilang si Luis Grande at hanggang ngayon ay Kapuso star pa din. Gaganap din siya bilang si Earl Jimeno sa Filipino adaptation ng Descendants of the Sun.




error: Content is protected !!