Dating nobyo dumalo sa kasal ng kaniyang dating kasintahan, “groom” nag-peace sign sa kaniya!



Nanaisin mo bang dumalo sa kasal ng iyong dating kasintahan? Marahil ay marami sa atin ang hindi na nanaisin pang dumalo sa pagdiriwang na ito. Dahil maramo sa atin ang mas nanaisin na lang na hindi na makita pa kasal ng dati nating minahal kahit pa nga mayroon pang imbitasyon mula sa kanila. Sa Malaysia, isang lalaki ang pumunta sa kasal ng kaniyang dating nobyo na talaga namang mababakas mo sa kaniyang mga mata ang kalungkutan habang minamasdan ang kaniyang dating sinisinta na masaya na sa piling ng asawa nito.



Isa sa mga kaibigan nito ang kumuha ng video ng nasabing lalaki dahil sa pag-aakala na magiging nakakatawa ang magiging reaksyon ng dating nobyo na makita ang kaniyang dating nobyo na ikinakasal na sa iba. Ngunit ang inakalang pangyayari ay naging isang kamangha-manghang pagtatagpo ng dalawang lalaking naging bahagi ng buhay ng “bride”.


Kahit pa nga makikita ang lungkot sa mga mata ng lalaki ay mapapansin na pinipilit pa din nitong maging matapang at ngumiti sa kabila ng lungkot sa kaniyang mga mata. Isang kaibigan nito ang nagbahagi ng nasabing video sa kaniyang Twitter account at nagsabing maaaring hindi naging maganda ang kinalabasan ng viral video ngunit sadyang naging “cool na cool” ang “groom” sa dating nobyo ng kaniyang misis dahil sa naging reaksyon nito.


Nang nakita ng “groom” ang dating kasintahan ng kaniyang pinakasalan ay agad itong nag-peace sign dito bilang pagbati. Nasorpresa naman ang lalaki sa ginawa ng kabiyak ng dati niyang nobya. Dahil dito ay kaagad niyang nilapitan ang bagong kasal, kinamayan ang asawa ng dating kasintahan at binati sila sa kanilang kasal.


Tunay ngang napakagandang tingnan ang pagtrato ng dalawang lalaki na ito sa isa’t-isa na hinangaan ng maraming mga netizens. Marami sa kanila ang pumuri at humanga sa naging pagtrato ng dalawang lalaki na ito sa bawat isa. Maging ang “bride” ay talaga namang gulat na gulat sa naging pangyayari.






error: Content is protected !!