Love conquers all: Magkaiba man ang kanilang pisikal na anyo o ang kanilang taas ay naging inspirasyon pa rin sa publiko ang pagmamahalan ng bagong kasal na ito.



Isang “groom” ang tila kalahati lamang ng taas o ng sukat ng kaniyang “bride” ang nagingusap-usapan ng maraming mga netizens ngunit hindi upang husgahan o kutyain kung hindi upang labis na hangaan ang kanilang wagas na pagmamahalan ng kaniyang mapapangasawa.



Tatlong talampakan lamang si Roque Tapeles at hindi nga siya ang tipikal na lalaki o “groom” na iyong makikita sa isang kasalan. Ngunit marami ang humanga sa kaniya at sa kaniyang mapapangasawang si Mary Joy Arroyo nang magpakasal sila sa kanilang probinsiya sa Zamboanga City at ipagsigawaan sa buong mundo kung gaano sila kasaya sa piling ng bawat isa.


Kahit pa nga kapansin-pansin ang pagkakaiba nila ng sukat at taas ay mas makikita at mararamdaman mo ang wagas na pag-ibig nila para sa isa’t-isa. Sa panahon natin ngayon na madalas na makakakita tayo ng mga magkasintahan na basta basta na lamang nawawalan ng gana sa isa’t-isa matapos ang ilang mga taon ng kanilang relasyon ay nakakatuwang makakita ng mga ganitong uri ng pagmamahalan na walang makakahadlang kahit anu pa man ang kanilang maging pagkakaiba.


Ayon sa kwento ng bagong kasal, si Roque ay isang “elevator operator” sa isang mall kung saan niya nakilala si Mary Joy. Dahil nga tinamaan at napamahal talaga siya kay Mary Joy ay sinikap ni Roque na mapatunayan ang kaniyang sarili at ang kaniyang tunay na pag-ibig sa kaniyang sinisinta. Si Mary Joy ay hindi tumingin sa panglabas na anyo ni Roque at talaga namang binigyan niya ng pagkakataon na mapatunay nito ang kaniyang sarili sa kaniya.


Maaaring maliit nga siya sa ating mga paningin ngunit napakalaki ng kaniyang pagmamahal para kay Mary Joy kung kaya naman hindi na nakapagtataka na mapamahal sila sa isa’t-isa. Marami nga ang humanga sa kanilang dalawa at sa kanilang wagas na pagmamahalan para sa isa’t-isa.



Maging ang alkalde na nagkasal sa kanilang dalawa ay ibinahagi ang kanilang mga larawan sa social media na umani ng sari-saring positibong komento mula sa publiko.