Ina Raymundo, tila hindi pa tanggap na 18-anyos na ang kaniyang anak na si Erika!



Hindi pa nga talaga tanggap ng aktres na si Ina Raymundo na ang kaniyang panganay na anak na si Erika ay 18 anyos na o nasa wastong gulang na. Si Erika ang panganay sa limang mga anak ni Ina sa kaniyang mister na si Brian Portunak. Nitong ika-10 araw ng Oktubre ng magdiwang si Erika ng kaniyang ika-18 taong kaarawan kung saan binalikan ni Ina ang kaniyang naging kauna-unahang pagdadalang-tao. Sa ibinahaging post ng aktres sa kaniyang social media account ay inalala niya ang naging unang karanasan niyang maging isang ina.



Ayon sa kaniya ay nalimutan ng isang ospital sa Vancouver na bigyan siya noon ng “epidural” kung kaya naman siya ang pinaka-alerto sa lahat ng sanggol doon. Ang labi ng kaniyang anak ay inihalintulad niya sa sikat na Hollywood actress na si Angelina Jolie. Tunay ngang hindi niya malilimutan ang araw na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos ang anak na si Erika. Inilarawan niya rin ito bilang isang “sweet” at masayahing bata.


Ilan sa mga nakapagpapasaya sa anak niya noon ay ang maraming mga “desserts” at “sweets”, Barney, Blue’s Clues, Totally Spies, mga sirena, mga manika na Barbie, Polly Pocket, High School Musical, ang ilan lamang sa mga hilig nito noon. Ayon pa kay Ina, mahilig din kumanta ang kaniyang anak. Madalas nga na kinakanta nito ang “Hey Ya” noong bata pa at ang ilan sa pinakapaborito nitong awitin ay ang “This Love”, “My Hump”, “You Are The Music In Me”, at ang “Somewhere Over The Rainbow”.


“Somewhere along Middle School years, you somehow changed. Mom and dad are the un-coolest persons on earth. We get it. Those were your transition years. Now that you’re finally 18, you’ve matured so much. You have a good head on your shoulders and a beautiful heart, Erika. You will always be the feisty and fiery one in the family but you are the sweetest too. We can see how you love your siblings so much and can be very protective of them. We are blessed to have you. Happy 18th Birthday, Erika! It’s your time to soar high. Mom and Dad will be here to support you no matter what. We love you so much!” Pagkukuwento pa ng aktres.


Source: Pep




error: Content is protected !!