Jinkee Pacquiao at Janet Jamora hinangaan ng publiko dahil sa “super pretty fab” nilang OOTDs!



Kamakailan lamang ay hinangaan ng publiko ang napakagandang OOTDs ng magkakambal na sina Jinkee Pacquiao at Janet Jamora. Tunay nga na basta magagandang kasuotan at mga mamahaling mga kagamitan ang pag-uusapan, wala nang hihigit pa sa asawa ng Pambansang Kamao ng Pilipinas.



Ibinahagi ng misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquaio ang napakagandang twinning dress nila ng kaniyang kakambal na si Janet sa kanilang pagdalo sa ika-pitong anibersaryo ng ipinatayong simbahan ng mag-asawang Pacquiao.


Talaga namang hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng maraming mga netizens ang naggagandahang dress ng magkakambal na Jinkee at Janet. Ayon pa nga sa ilan sa kanilang mga tagahanga ay talaga namang yayamanin ang postura at ang hitsura ng dalawa. Talaga namang naging glamorosa at napakaganda ng dalawa. Si Janet ay nakasuot ng kulay pula niyang bistida na tinernuhan niya ng kaniyang napakagandang sapatos. Habang lumutang din naman ang angking kagandahan ni Jinkee sa kaniyang ruffled at polka dots na bistida na tinernuhan niya ng kaniyang mamahaling bag at sapatos. Mapapansin din ang simple ngunit elegante nilang make-up.


Maraming mga netizens ang talaga namang pumuna at nagbigay komento sa “taste of fashion” ng magkakambal na ito. Isa sila sa pinakahinahangaang personalidad ngayon sa industriya ng show business. Bukod nga sa angking kagandahan, at sa kanilang maraming mga negosyo at ari-arian ay labis na hinahangaan ang pamilya Pacquiao dahil sa kanilang pagmamalasakit at pagmamahal sa kanilang kapwa at sa ibang tao.
Ang nasabing dalawang palapag na building ng mag-asawang Pacquiao ay mayroong simbahan, paaralan, at community center na nakatayo sa 5.7 ektaryang na lupain nila sa GenSan.



Meron din itong school annex, pastor’s lounge, at commercial offices. Ang nasabing proyekto ni senador Manny Pacquiao ay nagkaroon ng ground breaking noong Pebrero 2015. Ito ay nagkakakahalaga ng 6.7 million dollars, ani pa sa ulat ni Aquiles Z. Zonio ng philboxing.com.