Namangha ang publiko dahil sa napakalinis na tubig baha ng Japan na parang isang “swimming pool” lamang!



Sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa sa Asya, kadalasan na ngang nagdudulot ng labis labis na kalat at basura ang tubig-baha dahil na rin sa walang habas na pagtatapon ng mga tao ng kani-kanilang mga basura sa daan at sa mga estero. Mga plastic, mga bote, at iba’t-ibang uri ng mga basura ang makikitang palutang-lutang sa baha lalo na sa panahon ng tag-ulan o di kaya naman ay panahon na mayroong bagyo.



Ngunit sa larawan na ito ng Japan, talaga namang labis na namangha ang maraming mga netizens dahil sa aakalain mong “swimming pool” lamang ang kanilang tubig-baha. Marami nga ang sumang-ayon na ang pagkakaroon ng disiplina ay talaga namang kailangan ng isang komunidad upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng kanilang lugar kagaya na lamang ng sa Japan.
“Flooding in Japan is a very Clean,” pagbabahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Yuttana Wangmun sa Facebook group na “ASEAN World 24 – Southeast Asia Network.”

Sa dalawang mga larawan ay kapansin-pansin ang napakalinis at napakagandang kapaligiran ng Japan. Kahit pa nga rumagasa sa lugar na ito ang “Supertyphoon Hagibis” na talaga namang nagpabaha sa malaking bahagi ng kanilang lugar ay hindi mo makakakitaan ng kahit anong basura na lumulutang ang kanilang lugar. Ang naturang pagbaha ay dulot ng malakas na pag-ulan at hindi dahil sa barado nilang mga estero at kanal. Dahil kung barado ang mga kanal ay tiyak na magiging malaking problema ang pagbaha at ang magdudulot din ito ng labis na kalat at basura. Ngunit dahil ang bansang Japan ay kilala sa pagiging disiplinado sa maraming mga aspeto lalo na sa pagtatapon ng kanilang mga basura ay talaga namang papangarapin mo na ganito din sana ang nakagawian sa ating bansa.



Ang tubig baha sa bansang Japan ay maisasalarawan lamang bilang maganda at malinis na lugar. Tunay nga na hindi mo nanaisin na bahain ang inyong lugar, ngunit kung ganito naman kalinis at kaganda tiyak na maraming mga Pilipino ang mangangarap nito.




error: Content is protected !!