Farm house nina Gwen Zamora at David Semerad ipinasilip nila sa publiko!



Si Gwenaelle Tasha Mae Agnese o mas kilala din n publiko bilang si Gwen Zamora ay 29 na taong gulang na komedyante, aktres, modelo at dating mananayaw. Isa siya sa mga hinahangaang aktres ng kaniyang henerasyo at talaga namang hinangaan siya dahil sa kaniyang angking kagandahan at talento. Kamakailan lamang ay ipinasilip ni Gwen Zamora at ni David Semerad ang kanilang farm house sa publiko na umani ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko.



Nagbahagi sila ng ilang mga larawan sa social media ng kanilang ipinapagawang farm house. Ang bagong “blessing” sa kanilang buhay ay tinawag nilang “The Semerad Cabin” na ginawa ring caption ng aktres na si Gwen sa mga larawang ibinahagi niya sa social media. Marami sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang bumati sa kanilang dalawa sa panibagong tagumpay sa kanilang buhay. Kapansin-pansin naman ang kasiyahan at kagalakan ng dalawa sa mga larawang ibinahagi ng celebrity couple online.


Unang una nang bumati sa kanilang dalawa isa pang kilalang personalidad na si Doug Kramer. Kasama naman nina Gwen at David ang kakambal ni David na si Anthony at ang fiancee nito na si Sam Pinto. Sina Gwen Zamora at David Semerad ay ang celebrity couple na napabalitang nagkaroon ng relasyon buwan ng Nobyembre taong 2018 at Abril 24, 2019 naman ng ianunsyo nila ang pagdadalang-tao ni Gwen sa publiko.


Mayo 10, 2019 nang ibahagi nila ang kasarian ng kanilang panganay na anak at Agosto naman ng parehong taon ng i-welcome nila si Baby Cooper. Tunay nga na bukod sa pagkakaroon ng napakagandang biyaya ng pamilya at sa pagsalubong nila sa kanilang anak ay nadagdagan pa ang mga biyayang natanggap ng celebrity couple.



Ang pag-iinvest sa ganitong klase ng property ay talaga namang malaking tulong lalo na kung nagsisimula ka pa lamang ng iyong pamilya. Alam naman natin na ang pagkakaroon ng pamilya ay isa ring malaking responsibilidad sa ama at sa ina dahil sa kinakailangan nilang siguraduhin ang magandang kinabukasan ng kanilang pamilya lalong lalo na ng kanilang mga anak at magiging anak pa.




error: Content is protected !!