Guro nawindang sa pagguhit ng kaniyang estudyante sa pambansang isda ng Pilipinas!



Aminin man natin o hindi marami sa atin ang nasasarapan sa lasa ng bangus. Ang bangus o tinatawag ding “milkfish” sa Ingles ang pambansang isda ng Pilipinas. Ito ay isang matinik at makaliskis na uri ng isda. Marami ding pwedeng putahe na lutuin gamit ang isda na ito. Ilan sa mga halimbawa ay ang relyenong bangus, sinigang na bangus, o di kaya naman ay piritong bangus.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang iginuhit ng isang mag-aaral na pambansang isda ng ating bayan kung saan talag namang nawindang ang guro ng bata dahil sa ang pambansang isda na bangus ay iginuhit niya nang nakapirito na!


At ang parte ng bangus na iginuhit ng estudyante ay ang tiyan ng bangus na talaga namang mas nakakatakam sa marami sa atin. Ang guro na nagbahagi ng nakakatuwang kwento na ito ay nakilala bilang si NJ Reyes. Sinagot ng isa sa kaniyang mga estudyante ang tanong sa kanilang gawain sa klase na “Ano ang Pambansang Isda ng Pilipinas?”


At kahit pa nga tama naman ang sagot ng mag-aaral ay hindi pa rin mapigilan ng guro na mapakamot ng ulo at mapangiti dahil sa ang karaniwang makikita natin na pambansang isda sa mga libro at sa iba pang mga larawan ay yaong bangus na buo pa or may kaliskis pa.



Ngunit ang sinagot at ginuhit ng isa sa kaniyang mga estudyante ay luto na ay hiwa na! Yun nga lamang ay tiyan lamang ng isda ang ginuhit ng bata kung kaya naman maraming mga netizens ang mayroong kutob na paboritong bahagi din ng bata sa bangus ang malinamnam na tiyan nito. Umani ng sari-saring mga komento at reaksyon mula sa publiko ang viral post ng guro. At tiyak na maraming mga Pilipino din ang makaka-relate dito. Ikaw, anong parte ng bangus ang pinakagusto mong kainin?




error: Content is protected !!