Isang lalaking nasandalan ng isang pasaherong nakatulog sa dyip kinaaaliwan sa social media ngayon!



Marahil ay marami na sa atin ang nakaranas na masandalan o di kaya naman ay masandal sa isa sa ating mga biyahe sa bus, van, traysikel, o maging sa dyip. Marahil ay dahil sa sobrang pagod at antok ay hindi na rin natin namamalayan na sa pagpikit ng ating mga mata ay kasabay na nawawala sa maayos na pagkakaupo ang ating katawan. Madalas na nagiging sandalan ng ating mga ulo ang katabi nating pasahero.



Isang netizen kamakailan lamang ang nagbahagi ng kaniyang nakakatuwang kwento sa social media patungkol dito. Siya at nakilala bilang si Edson Falcis. Ibinahagi nito ang nakakatuwang larawan ng dalawang babae sa kaniyang mga balikat. Sa unang sulyap sa larawan ay aakalain mong “chickboy” si Edson ngunit ang katotohanan pala ay nobya niya ang isa sa mga babaeng nakasandal sa kaniyang balikat habang ang isa naman ay isan pasaherong babae na nakasabay nilang sumakay sa dyip at marahil sa sobrang kapaguran ay nakatulog na lamang nang hindi nito namamalayan.


Marami ang natawa sa naging caption ni Edson sa kaniyang ipinost na larawan. Ito ang naging caption ng binata: “Ate gumising ka na pag nagising ‘tong girlfriend ko yari tayo.” Hindi na nagawa pang gisingin ni Edson ang babae na nakisandal sa kaniyang balikat at nang magising na nga ang kaniyang nobya ay natawa na lamang ito sa naging reaksyon niya.

Agad namang nagkomento ang kaniyang nobya at sinabing, “Ngayon lang yan, wala nang susunod. Pasalamat si ate naisip ko baka galing siya sa work kaya nakatulog siya sa balikat mo. Kasi mukhang pagod na pagod na siya.” Nang magising ang pasaherong babae ay agad itong lumayo sa balikat ng lalaki dahil na rin sa hiya nang makitang nakatingin sa kaniya ang nobya ng kaniyang sinasandalan.


Maraming mga netizens ang nag-aabang kung ano pa ang magiging susunod na kaganapan sa pangyayaring ito. Makarating kaya sa babaeng pasahero ang post na ito at magkomento din kaya siya sa post ng lalaki na kaniyang sinandal nang hindi sinasadya?




error: Content is protected !!