Anak ni Ina Raymundo na si Erika nakakawindang ang pasabog sa 18th birthday video!



Si Rina Marie Padilla Raymundo o mas kilala ng publiko bilang si Ina Raymundo ay 43 taong gulang na aktres, commercial model, at mang-aawit. Siya ay nakilala pa ng husto sa kaniyang 1990’s San Miguel Beer television advertisement na “Sabado Nights” at ang remake nito taong 2017.

Source: NICE PRINT PHOTOGRAPHY



Ang pinakaunang magazine cover niya ay sa edad na 18 taong gulang taong 1994, naging cover din siya ng FHM Philippines sa edad na 39 at 41. Siya ay ikinasal sa kaniyang Ukrainian-Canadian na mister na isa ring businessman na si Brian Poturnak taong 2003. Biniyayaan sila ng limang mga anak. Sina Erika, Jakob, Mikaela, Annika at Minka.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng kaniyang pagbati si Ina para sa kaniyang panganay na anak. Tila hindi pa tanggap ng aktres na ang kaniyang panganay na anak ay 18 taong gulang na dahil para sa kaniya ay ito pa rin ang kaniyang “baby”.

Source: NICE PRINT PHOTOGRAPHY


Kaugnay nga nito ay talaga namang ikinawindang ng publiko ang kaakit-akit at nakakabighaning birthday video ni Erika na talaga namang mapapa-wow ka na lang! Kapansin-pansin ang napakagandang hubog ng katawan nito at ang kaniyang angking kagandahan.

Source: NICE PRINT PHOTOGRAPHY



Maraming mga netizens ang naiinggit dahil halos lahat na nga ng pinapangarap ng isang babae lalo na sa usaping pangangatawan ay tila pinakyaw na niyang lahat. Kapansin-pansin din ang pagkakahawig ni Ina at ni Erika, tila ba bumatang muli si Ina Raymundo sa katauhan ng kaniyang anak.

Komento rin ng publiko na tiyak na si Erika na nga ang magmamana sa korona ng kaniyang ina pagdating sa industriya ng show business. Sa nasabing birthday video ni Erika ay mapapansin din ang ilang mga eksena na makapagpapaalala sa isa sa mga popular na pelikula ni Ina noong taong 1990. Gaganapin ang debut ng dalaga sa ika-19 na araw ng Oktubre. Ang kaniyang nakakawindang na birthday video ay mula sa sikat na “Nice Print Photography and Exige Weddings”.

Source: Pep






error: Content is protected !!