Categories: NewsShowbizViral

Angel Locsin napa-throwback sa lumang larawan nila ng fiancé niyang si Neil Arce noong magkaibigan pa lamang sila

Si Angelica Locsin Colmenares o mas kilala ng publiko bilang si Angel Locsin ay 34 na taong gulang na aktres, commercial model, film producer at fashion designer. Siya ay lubos pang nakilala at tumatak sa publiko dahil sa kaniyang pagganap bilang Alwina sa 2004 fantasy-themed television series na Mulawin at ang popular na TV adaptation ng Darna mula sa komiks ni Mars Ravelo.

Contract artist ng GMA network si Angel nang magsimula siya sa kaniyang karera hanggang sa pasimula nang taong 2007 kung kailan siya lumipat sa ABS-CBN network. Gumanap siya bilabg si “Lyka”sa Kapamilya television series na Lobo kung saan siya nanomina sa International Emmy Award para sa kaniyang natatanging pagganap.


Ngayon nga ay inaabangan na ng marami niyang mga tagahanga at tagasuporta ang kaniyang nalalapit na kasal sa kaniyang fiancé na si Neil Arce. Nagsimula sila bilang magbarkada at nagbahagi pa nga ng larawan ang aktres sa kaniyang social media noong taong 2011 na magkaibigan pa lamang sila. Nito lamang Oktubre 15 nang ipost ni Angel ang kanilang throwback photo na kuha pa noong Marso 6, 2011.

Dinaluhan nina Angel at Neil ang naging after-party ng photo exhibit ng celebrity photographer na si Mark Nicdao sa Makati City. Umani ng maraming mga reaksyon at komento mula sa publiko at sa kapwa niya artista ang nasabing post. Ilan sa mga aktres na nagkomento sa throwback photo ng celebrity couple ay sina Bea Alonzo, Loisa Andalio, Bubbles Paraiso, at Iza Calzado. Habang ang producer naman at fiancé ni Angel na si Neil ay nagkomento lamang ng “kisses emojis”.

Ayon sa Kapamilya actress ay halos pitong taon din silang magkaibigan ni Neil bago sila magkaroon ng espesyal na pagtitinginan sa isa’t-isa. Taong 2017 nang mapabalitang nagkahiwalay na sila sa kani-kanilang kasintahan at pareho silang mula sa long-term relationship. Marso 2017 nang umamin si Angel na mayroon siyang dinedate na non-showbiz guy at nang sumunod na buwan ay natukoy na ito bilang si Neil.

Source: Pep

 

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago