Larawan ni Rita Daniela at Kathryn Bernardo, trending ngayon sa social media!

Hindi maitatanggi na isa sa pinakakilala at pinakahinahangaang aktres sa industriya ngayon ay sina Kathryn Bernardo ng ABS-CBN network at si Rita Daniela na mula naman sa GMA network. Naging usap-usapan sa social media ngayon ang pagsasama ng mga reyna ng kani-kanilang estasyon sa iisang larawan. Maraming mga sikat na personalidad ang dumalo sa ginanap na Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for TV mula sa Kapuso at Kapamilya network. Ikinatuwa nga ng marami nilang mga tagahanga ang naging pagkikita nina Rita Daniela at Kathryn Bernardo at nagkasama pa ang dalawa sa iisang larawan.

Isang pambihirang pagkakataon nga ang masilayan ang Popstar Kids Champion at The Clash Journey Host na si Rita Daniela kasama ang Teen Queen at isa sa pinakapinag-uusapang aktres ngayon na si Kathryn Bernardo. Nagbahagi ng larawan si Rita sa kaniyang social media account kung saan nagkaroon ng pagkakataon na makapagselfie ang dalawa sa dressing room ng Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University. Nilagyan din niya ito ng isang “quote” mula sa manunulat na si Jesse Peyronel, “Everything, and I mean everything, is about strong powerful women.”


Ang post ng Kapuso actress ay mayroon nang higit sa 50,000 likes sa kaniyang Instagram. Mayroon pang pahabol si Rita sa kaniyang post na “It’s always nice seeing you @bernardokath.” Sinagot naman ito ng heart emoji ni Kathryn. Umani ng sari-saring komento mula sa publiko ang larawan ng dalawa. Ito ang ilan sa komento ng mga netizens:

“Oh my!!! My two favorite actresses from Kapamilya and Kapuso. Nakakatuwa na friends sila. Successful na pero mga humble pa rin. Powerful women indeed!” Pahayag ng isang netizen na tuwang tuwa sa pagsasama ng dalawang aktres. Parehong awardee sina Rita at Kathryn noong gabing iyon. Tinanggap ni Rita ang German Moreno Power Tandem of the Year award kasama si Ken Chan habang si Kathryn naman ay isa sa mga TV Queens at the Turn of the Millennium.



error: Content is protected !!