90’s Darna na si Nanette Medved ibinahagi ang kaniyang dahilan kung bakit iniwan ang show business

Ibinahagi ng dating sikat na aktres na si Nanette Medved ang kaniyang dahilan kung bakit bigla na lamang niya napagdesisyunang iwanan ang showbiz. Pag-amin pa nito ay hindi niya pinagsisisihang ginawa niya ito. Kilalang mahusay na aktres sj Nanette noong 90’s lalo na nang gampanan niya ang popular na karakter na Darna. Higit sa dalawang dekada na rin ang nakararaan ng lisanin niya ang magulong mundo ng showbiz at mamuhay ng masaya at tahimik sa likod ng kamera.

Siya ngayon ay isa nang pilantropo na nagtatayo ng mga silid-aralan para sa mga mahihirap na komunidad sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas. Ayon sa sikat na aktres noon, hindi siya nagsisisi na iniwanan niya ang industriya ng showbiz dahil sa ngayon ay namumuhay na siya sa paraang gusto niya at nakakatulong pa siya sa maraming mga tao.

“I think that it’s because I love what I do. We all kind of choose to serve in our own way and so this is the way I choose to serve and so there are no regrets to that. Plus I have an amazing family, a great life, and I get to do this really meaningful work,” Pahayag ni Nanette.
Maaalalang ang pinakahuling pelikula na kaniyang ginawa ay kasama pa ang namayapang Action King na si Fernando Poe Jr. sa kadahilanang hindi niya matanggihan ang alok ng beteranong aktor at direktor. Mula noon ay itinuon na niya ang kaniyang pansin sa nais niyang gawin sa kaniyang buhay.

Sa ngayon ay mayroon siyang ikinakampanyang proyekto na tinawag niyang “Hope in a Bottle” kung saan hinihikayat niya ang publiko na mag-donate online ng halagang P20 at maaari silang magkaroon ng pambihirang pagkakataon na makasama sa isang “date” ang paborito nilang artista. Tunay nga na naging kasiya-siya ang kaniyang buhay mula nang lisanin niya ang show business at gawin ang mga bagay ba matagal na niyang pinapangarap gawin. Isa siyang kahanga-hangang babae na mayroong busilak na puso sa mga taong nangangailangan at kapus-palad.



error: Content is protected !!