Jolina Magdangal sa pagiging jsang praktikal na mamimili: “Hindi sapat na mura, dapat quality”.

Ayon sa aktres at host na si Jolina Magdangal, ang mga de kalidad na produkto ay maaari mo pa ring mabili kahit sa mas murang halaga. Ayon sa “Magandang Buhay” host mas nais niya pa rin ang mga murang produkto na nakapagbibigay ng ginhawa sa kaniya at magandang kalidad kaysa sa mga mamahaling produkto na masasaktan o mahihirapan ka lamang kapag naisuot na.

“Yung ibang mahal na sapatos ang sakit sa paa, e, para kang tutumba. Minsan kung ano pa ‘yung mura, iyon pa ‘yung comfy.” Pahayag ni Jolina ayon sa pag-uulat ng Female Network. Pagbabahagi pa ni Jolina hindi siya mahilig bumili ng mga bagay na mamahalin sa halip ay mas nais niya ang mga murang produkto kaysa yung mga nabibili na mga brand na talaga namang ubod ng mamahal!

“Tignan mo, bilhin mo. Mura lang naman. Try mo. Tignan mo. Uulit-ulit ka. Basta nandoon pa rin ako sa quality, hindi sa kung anong brand nito o gaanong kadami. Basta sa akin kung ano ‘yung masaya ako gamitin, ulit-ulitin.” Dagdag pa ng aktres.


Ayon pa sa kaniya, naging praktikal siyang mamimili dahil na rin sa kaniyang pamilya. Ang kaniyang mga magulang ang nagturo sa kaniya kung paano maging matalino pagdating sa paghahawak ng kaniyang pananalapi. At ngayon nga na mayroon na siyang sarili niyang pamilya bumibili siya ng mga produktong matatawag mong “sulit” talaga.

“Feeling ko sa ngayon, lalo na kapag may family ka, alam mo kung ano ‘yung sulit, ano ‘yung mura. Dapat alam mo ‘yung difference noon. Tapos natutunan ko mula nung nagka-family na ako, na lahat ng bagay, hindi minsan nadadaan na parang mura lang. Hindi basta mura. Kailangan praktikal, sulit siya, at saka quality siya, lalo na para sa mga anak ko,” Pagpapayo pa ni Jolina para sa mga katulad niyang mommy na walang ibang nais para sa kanilang pamilya kundi ang pinaka-the best!



error: Content is protected !!