Ama, pasan-pasan sa kaniyang likuran ang kaniyang anak habang nagtatrabaho umantig sa publiko!



Bilang isang magulang lahat ay kaya nating gawin at isa-alangalang para sa ating mga mahal na anak. Kahit anong pagod at hirap sa trabaho ay talaga namang magiging isang katagumpayan ito dahil na rin sa wagas na pagmamahal ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Kagaya na lamang ng naging viral na larawan ng mag-ama na ito kung saan ang ama ay pasan pasan ang kaniyang sanggol na anak sa kaniyang trabaho.

Umantig sa puso ng maraming mga netizens ang mga larawang ibinahagi ni Vinz Manalo Bobo kung saan dala-dala niya ang kaniyang anak sa kaniyang likuran habang siya ay nagtatrabaho para magkaroon sila ng pangbili ng gatas ng sanggol at iba pang pangangailangan ng bata. Sa isang kusina nagtatrabaho ang ama at kasa-kasama niya nga ang kaniyang anak na sanggol habang gumagawa ng kaniyang trabaho sa kusina. Kahit pa nga halatang hirap din sa kaniyang pwesto ang sanggol ay hindi ito umiiyak.


Maraming nga netizens ang talaga namang humanga at medyo nag-alala din dahil sa kalagayan ng sanggol at ng kaniyang ama. Ang nasabing viral post ay mayroong caption na “inspired”. Sa kabila nga ng mga positibong komento at paghanga ng ilang mga netizens ay marami pa din ang nagkomento na dapat sana ay sa bahay na lamang nanatili ang bata upang masigurado ang kaniyang kaligtasan at hindi na din mahirapan pa ang kaniyang ama sa pagtatrabaho nito. Sa kasalukuyan ay mayroon nang higit sa 4,500 na mga reaksyon ang nasabing post.



Tunay nga na hindi madali maging isang magulang ngunit nakakamangha na kahit papaano ay talaga namang nagsusumikap ang ama na ito na ibigay ang mga pangangailangan ng kaniyang anak kahit pa nga ang ibig sabihin nito ay mahihirapan siya sa kaniyang trabaho dahil sa pagpapasan niya sa kaniyang anak.

Marahil ay wala din siyang mapag-iwanan sa anak kung kaya naman mas minabuti na lamang niya na magkasabay na alagaan ang anak at ang kaniyang pagtatrabaho.





error: Content is protected !!