Babae na mayroong kaarawan, nagpamahagi ng Jollibee sa mga batang pulubi sa lansangan!



Ano nga ba ang madalas nating gawin sa tuwing sasapit ang ating kaarawan taon-taon? Marahil ay marami sa atin ang naghahanda sa kani-kanilang mga tahanan o di kaya naman ay nagdaraos ng enggrandeng pagdiriwang sa isang maluwag at magandang events place. Talaga namang pinaglalaanan natin ito ng salapi dahil sa loob ng isang taon ay isang beses lang naman tayo magdiriwang ng ating kaarawan.



Ngunit nito lamang Oktubre 11 ay naging agaw-eksena sa social media ang ginawa ni Mary Ann Cunanan para sa kaniyang kaarawan. Sa kaniyang kaarawan ay nagbahagi siya ng makakain sa mga taong nangangailangan. Naging makabuluhan ang kaniyang kaarawan dahil mas minabuti niya na magbahagi ng mga natatanggap niyang pagpapala sa halip na magdaos ng isang magarbong handaan.




Bumili siya ng pagkain sa isang sikat na fast food na siya namang ibinabahagi niya sa mga taong kaniyang nadadaanan sa kalsada, bata man o matanda ay talaga namang masayang-masaya sa biyaya na kanilang natanggap.




Dahil sa kagandahan-loob ni Mary Ann sa mga taong nangangailangan ay talaga namang hinangaan siya ng maraming mga netizens. Mayroon nang higit sa 33,000 na mga positibong realsyon ang ginawang ito ng birthday celebrant.




Narito ang ilan sa mga komento ng publiko:
“May God bless you more ate”



“Salamat sa idea ate,nakaka-inspire ka naman po”

“Inspiring! Sana dumama pa ang tulad mo!”

“God bless you more po lalo na at marunong kang mag-share ng blessings mo!”

“Ito ang totong lodi, mas inisip pa ang kaligayahan ng iba”



“Mabuti kang tao, sana marami pa ang tulad mo.”


Talaga namang nakakamangha ang ganitong gawa ng isang kabataang Pilipino. Hindi lahat ng tao ay nakagagawa ng ganitong kabutihan sa kanilang kapwa. Sa murang edad ay alam na niya kung paano magbahagi ng kaniyang mga biyaya sa mga tao na mas nangangailangan at hindi niya lamang basta idinaos ang kaniyang kaarawan sa isang magarbo at enggrandeng birthday party.




error: Content is protected !!