Bernadette Sembrano ibinahagi ang kanilang naging karanasan matapos nilang makainom ng milk tea na mayroong ipis!



Hindi maipagkakaila na napakarami nang mga bagong bagay ngayon ang nasusubukan ng maraming mga Pilipino hindi lamang sa mga bagong kasuotan, teknolohiya, mga nakasanayang bagay, mga pagkain o di kaya naman ay inumin. Marahil ay marami na sa ating ang sumubok tumikim ng “milk tea”? Talaga namang naging patok na patok itong inumin sa maraming mga kabataan ngayon. Ang mga inumin ngang ito ay nagmula pa sa bansang Taiwan kung saan ito ay kilala sa tawag na Bubble Milk Tea. Ito ay simpleng kombinasyon ng tsa-a at gatas na hinaluan ng yelo upang maging malamig at nilalagyan ng pearl o iba’t-ibang klase ng gulaman.



Sa ngayon ay kapansin-pansin na talaga ang paglaganap ng mga tindahan ng milk tea sa tabi ng mga opisina at paaralan at maging sa mga mall. Mayroon na ring sari-saring klase ng inumin na ito sa ngayon na talaga namang naeenjoy ng marami sa atin. Kahit pa nga ilang buwan na ang nakakalipas mula nang maging usap-usapan ang inumin na ito ay hindi pa rin nababawasan ang mga tao na tumatangkilik nito sa araw-araw


Ngunit kagaya na lamang ng iba pang mga tinatangkilik na pagkain at inumin sa merkado dapat at maging mapanuri din tayo sa mga produkto na ating binibili lalo na at ito ay kinakain o iniinom natin. Kagaya na lamang ng ibinahaging kwento ng isang sikat na broadcaster at host na si Bernadette Sembrano patungkol sa naging karanasan nilang mag-asawa sa pag-inom ng milk tea.


Sila ay bumili ng milk tea sa Yi Fang Taiwan Fruit Tea sa Greenbelt. Habang ineenjoy ng mag-asawa ang kanilang inumin ay tila may napansin ang kaniyang mister na kaniya pa nganga nanguya. Inakala nila na maliit na plastik lamang ito ngunit nang tingnan ng kaniyang mister ay ipis pala ito! Talaga namang nakakapangdiri ang pangyayaring yun ngunit laking pasalamat pa rin nila dahil hindi tuluyang nalunok ng kaniyang mister ang insekto.



Naiparating na din ni Bernadette ang nasabing insidente sa kinauukulan at tumugon naman sila na agad na nga nilang ipapasara pangsamantala ang naturang tindahal upang mainspeksyon nila ito ng mabuti patungkol sa kanilang kalinisan. Dagdag pa ng kompanya ay handa silang sagutin ang magiging gastos ng mag-asawa kung sakaling kakailanganin nilang magpa-ospital dahil sa nangyari.




error: Content is protected !!