Judy Ann Santos pinabulaanan ang komento ng ilang mga netizens na mataray daw siya at hindi sweet!



Sinagot ng beteranang aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo ang ilang mga komento sa kaniya ng ilang mga netizens. Ibinahagi ng aktres ang kaniyang natural na personalidad sa likuran ng camera at kung paano siya makisama sa ibang tao. Pinabulaanan din niya ang ilang nga usap-usapan na mas nais niya ang paggawa ng mga drama kaysa comedy o action pagdating sa kaniyang mga pelikula at programa sa telebisyon.



“Actually pare-pareho lang. Mas happy lang ako na nakakagawa ako ng roles na medyo comedy, mas ako kasi ‘yon. ‘Yung drama, ‘yun kasi ang sinimulan ko kaya mas mukhang kumportable ako sa kanya. Ang action depende sa na-save kong energy. Puwede akong mag-action.” Pahayag ng aktres.


Dagdag pa ng Starla actress, siya ay hindi “sweet person” sa nakararami. Ayon pa sa kaniya ay pinipili niyang mabuti kung kanino siya magiging sweet sa mga taong nakakatrabaho niya dahil sa ayaw niyang makapagbigay ng maling senyales sa kanila.


“Malambing ako sa mga tatay-tatayan ko gaya kina Tito Pip (Tirso Cruz III) at Tito Joel (Torre), ganyan. Pero ‘yung kapag mga ka-edad ko, hindi ko nilalambing kasi baka sabihin nilalandi ko sila. … Genuine lang ako sa affection ko sa kanila. I try to build a good relationshp with my co-stars. I respect everyone. I make everybody feel comfortable sa trabaho namin.” Pagbabahagi pa ng premyadong aktres.


Nilinaw din ni Juday ang tungkol sa mga nagsasabing tulad din siya ng ilang mga kilalang artista na mahilig sa mga mamahaling bags at mga sapatos ngunit hindi niya ito sinang-ayunan dahil sa ang unang nabili niyang bag noon ay “Chanel” kung kailan kasal na siya sa mister na si Ryan Agoncillo at mayroon nang dalawang mga anak. Hindi rin daw kaya ng kaniyang puso na bumili ng bag nang isang bagsakan lamang. Hilig din nilang mag-asawa na bumiyahe paminsan-minsan nang hindi kasama ang kanilang mga anak dahil sa importante din sa kaniya ang oras para mag-reconnect at mag-usap bilang mag-asawa.



Source: Abscbn




error: Content is protected !!