LJ Moreno nagbahagi ng ilang tips kung paano magbawas ng timbang pagkatapos manganak!



Si LJ Moreno ay ipinanganak bilang si Lari Jeanne Lacsamana Ricafort. Siya ay isang mahusay na aktres na naging bahagi ng ilang mga pelikula gaya ng “Di kita ma-reach” taong 2001, “The Leaving” taong 2010 at “Ang huling henya” taong 2013. Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa publiko ang kaniyang sikreto kung paano siya nakapagbawas ng timbang matapos siyang manganak.



Naging katuwang ni LJ ang kaniyang mister na si Jimmy Alapag sa kaniyang pagnanais na maibalik ang kaniyang katawan noong bago pa sila ikasal na 115 pounds! Si Jimmy Alapag ay dating professional basketball player ng Philippine Basketball Association (PBA). Siya rin ay kasalukuyang head coach ng San Miguel Alab Pilipinas ng ASEAN Basketball League at assistant coach ng San Miguel Beermen para sa PBA.


Oktubre 23, 2017 nang isilang ni LJ ang kaniyang ikatlong anak at ilang buwan nga matapos nito ay pinagsumikapan niyang maibalik ang dating timbang at pangangatawan. Ito ay matapos na mapansin niyang 150 pounds na pala ang kaniyang naging timbang. Ang dating aktres ay naglaan ng pagsubok para sa kaniyang sarili na magbalik sa 115 pounds na timbang.

Oktubre 2019 nang si LJ ay naging 116 pounds na.
“I’ve lost a total of 33.2 pounds since last year!” Pahayag ng aktres sa kaniyang Instagram post noong Oktubre 7.


Si LJ at ang kaniyang mister na si Jimmy ang magkasamang nagpapanatili ng kanilang mainam na pangangatawan. Ito ay hindi lamang para sa kanilang mga “body goals” kundi para sa kanilang malusog na pangangatawan para sa kanilang tatlong anak lalo na at abala sa kanilang negosyo si LJ at sa kaniyang trabaho si Jimmy, at matapos nito ay ginagawa pa rin nila ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga anak.
“So thankful coach @mondalaedwin can come to the house because it’s hard for me to get to the gym since family life and my business take up most of my time. It also helps that my husband and I are on the same page when it comes to staying fit and looking good for each other right my love?!” Pagbabahagi pa ng aktres.