Mga Intsik magsasaka nag-aalaga ng mga baboy na halos kasing laki na ng mga “polar bears” upang masolusyunan ang kakulangan nila sa baboy!



Upang masolusyunan ang problema ng ilang mga Tsino sa kakulangan ng supply ng mga baboy, napagdesisyunan ng ilang mga magsasaka doon na mag-alaga at magpalaki ng mga sobrang laki na mga baboy na halos kasing laki na ng mga polar bears! Ang mga ito ay mayroong timbang mula 500 kilogramo o 1,102 pulgada, hanggang sa 750 kilogramo. Pinapayuhan ng pamahalaan ng Tsina ang mga magsasaka na pagsumikapang masolusyunan ang kanilang kakulangan sa baboy dahil kung hindi ay labis na tataas ang presyo nito sa merkado.



Ang supply ng baboy sa bansa ay talaga namang nabawasan dahil sa kumakalat na African Swine Fever. Sa isang “hog farm” sa Zhengzhou City sa Henan Province, ang mga bumibisita roon ay maaaring makasakay sa 750 kilogramo ng baboy. Hindi na ito bago sa panangin ng maraming mga residente doon dahil sa ang mga baboy sa kanilang lugar ay talaga namang pinapalaki na nang hanggang sa 500 kilogramo pataas! Ang mga higanteng baboy na ito ay maibebenta sa halagang 10,000 yuan o $1,399, ang halagang ito ay mas mataas ng halos tatlong beses sa mga presyuhan sa probinsiya.
Si Zhao Hailin, isang hog farmer sa kanilang rehiyon ang nagsabing nais nilang magpalaki ng mga baboy na talaga namang ubod ng laki. Hindi lamang maliliit na mga farms ang nagpapalaki ng mga baboy na ito kundi mga malalaking kompanya na rin sa Tsina. Ito ay resulta na rin ng paglaganap ng African Swine Fever sa maraming mga alagang baboy sa lugar. Dahil ang supply ng karne ng baboy ay talaga namang bumababa na kasabay ng pagtaas ng demand nito na naging dahilan upang magkaroon ng mataas na presyo ang mga baboy sa kanilang merkado.


Ayon pa sa Bloomberg, ang mga presyo ng bultuhang pagbili ng baboy sa Tsina ay tumaas na nga ng 70% ngayong taon, habang ang pig inventories naman ay bumaba ng 39% Agosto noong nakaraang taon. Maging ang pamahalaan ay inaabisuhan na din ang maraming mga magsasaka na panatilihin ang demand sa karneng baboy upang matulungan ang pagbaba ng “inflation”.




error: Content is protected !!