Anak ng isang basurero laking pasasalamat sa ama dahil sa kaniyang pagsusumikap na mapagtapos siya ng pag-aaral sa kabila ng kanilang kahirapan!



Si Tatay Juanito Reyes ay 51 taong gulang. Siya ay masipag na nangongolekta ng basura na maaari niyang ibenta sa mga junk shop upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya at masuportahana ang pag-aaral ng kaniyang anak.



Ngunit para kay Junnel Gemida, talaga namang proud na proud siya sa pagiging basurero ng kaniyang mahal na ama. Dahil sa pagsusumikap ng kaniyang ama ay nakapagtapos na nga siya ng kolehiyo at ang kaniyang nakakamanghang kwento ay ibinahagi niya sa social media.


Nagbahagi siya ng larawan ng kaniyang masipag na ama at nilagyan niya ito ng caption na: “Flex ko lang tatay ko kahit basurero siya napagraduate niya ako,” pahayag ni Junnel. Napakaraming mga tao ang talaga namang namangha sa kaniyang kwento. Maraming mga netizens ang humanga kay Junnel dahil ipinagmamalaki niya ng husto ang kaniyang magulang na nagtiyaga at nagsumikap upang mapagtapos siya ng pag-aaral.


Si Tatay Juanito ay 13 taon nang basurero. Hindi ito madaling trabaho ngunit tila walang makapipigil sa ama na ito na masuportahan ang kaniyang dalawang mga anak sa kanilang pag-aaral. Ayon pa sa kaniya, hindi lang naman siya basta basurero lamang dahil sa ngatrabaho na din siya bilang isang driver ngunit sa kasamaang-palad ay lumabo ng husto ang kaniyang mata. Minsan pa nga ay kinailangan niyang ihinto ang minamaneho niyang sasakyan dahil sa hindi na niya makita ang mga sasakyan sa kaniyang harapan.


Sa takot na baka maaksidente o di kaya naman ay makaaksidente pa siya ay tumigil na siya sa pagiging isang driver. At dahil wala na siyang iba pang alam na trabaho ay naging basurero na lamang siya para sa kaniyang pamilya.



Maaaring mahirap at madumi ang ganitong uri ng hanapbuhay ngunit desente itong trabaho at ito ang mas pinili niya kaysa ano pa mang bagay na maaari niyang ipang-suporta sa kaniyang pamilya. Nang makapagtapos si Junnel ay nangako ito na maghahanap agad ng trabaho para sa kanilang pamilya ta pag-aaralin din niya ang kaniyang kapatid.




error: Content is protected !!