LizQuen nagbahagi ng katatawanan sa halip na katatakutan sa ginanap na Black Magic Party 2019!



Para sa on and off-screen partner na sina Liza Soberano at Enrique Gil ang mga Halloween parties katulad ng ginanap na Black Magic Party 2019 ay pagkakataon upang magbihis ng kahit anong karakter o bagay na gusto mo o gusto mong maging.

At para nga sa 2019 Black Magic Halloween party nagtagumpay ang dalawa na sorpresahin ang kanilang mga tagahanga nang sila ay magbihis bilang Marcus at Kevin Copeland ng sikat na comedy film na “White Chicks.” Kung ang ilan sa mga sikat na Kapamilya stars ay nakasuot ng itim at talaga namang nakakatakot na mga make-up at accessories, Swan dress naman ang suot suot ng LizQuen na talaga namang twinning pa sila! Ayon pa sa Kapamilya actor ay ginawa lamang niya ito para sa kasiyahan at katuwaan ng lahat.

“White Chicks is one of our favorite movies of all time, so I mean, why not, ‘di ba? Pag Halloween dapat all out, hindi dapat KJ. Have fun it’s all about the spirit of Halloween.” Pahayag ng aktor.



“Actually I was the one… kasi favorite movie talaga niya ‘to and all the lines he memorized it. And I said ‘let’s do something different for Halloween’ not just scary, let’s do something funny naman and we came up with this.” Dagdag pa ni Liza na siya mismong nakaisip na gawin nila ang movie-inspired costume na yun.


Pag-amin pa ni Liza, kinailangan niyang kumbinsihin pa lalo at palakasin ang loob ng kaniyang nobyo dahil sa noong una ay talaga namang nahihiya pa ito.
“At first ayaw niya syempre nahihiya siya but yeah, it’s Halloween we can do whatever we want and make it fun.” Pahabol pa ng dalaga.

Ayon pa kay Enrique, talaga namang tumindi ang respeto niya sa mga kababaihan dahil sa naging karanasan niyang ito.
“I’m wearing heels right now… iba na ang respeto ko sa mga babae, I must say that grabe ang sakit sa paa.” Ayon pa sa aktor.

Ang LizQuen ang nagwagi ng “Best Couple Costume of the night”.




error: Content is protected !!