Tony Labrusca bagong “leading man” ng Kapamilya actress na si Julia Barretto!



Magkakaroon na muli ng proyekto ang Kapamilya actress na si Julia Barretto kasama si Tony Labrusca bilang kaniyang bagong “leading man”. Ang kanilang nalalapit na teleserye ay pinamagatang “I Am U!” na ipapalabas na nga sa streaming platform ng ABS-CBN, ang “iWant”.



Ayon sa pahayag ni Tony sa ginanap na press conference, gagampanan niya ang karakter ng isang “highschool boyfriend”. Highschool sweethearts sila ni Julia sa proyektong ito at siya ang magiging love interes ng dalaga. Pag-amin pa ng aktor ay bago talaga sa kaniyang ang script at marami pa siyang hindi alam tungkol dito.


Ang direktor ng pelikula ay si Dwein Baltazar na nagbigay ng maikling pasilip patungkol sa karakter na gagampanan ni Julia. Ayon sa kaniya ay dalawang karakter ang gagampanan ng aktres kung saan ang isang karakter nito ay mayroong “saltik” o “topak”. Nagkwento naman ang dalaga patungkol sa bago nitong proyekto kung saan maaaring magkaroon sila ng ilang mga “daring scene” ng bago niyang leading man ngunit ayon sa dalaga ay kampante naman siya na hindi siya pababayaan ni Tony.


Kahit pa nga tila malayo ito sa “comfort zone” ng aktres ay handa siyang gawin ang kaniyang makakaya upang mapaganda ang kanilang proyekto. Maaalalang ang huling pelikulang ginawa ni Julia ay ang “Between Maybes” noong taong 2018 kasama ang kaniyang co-star noon na si Gerald Anderson habang ang huling proyekto naman ni Tony ay ang barkada movie na “Ang Henerasyong Hindi Sumusuko sa Love” nito lamang 2019.


Si Anthony Angel Jones Labrusca, Jr. o mas kilala ng publiko bilang si Tony Labrusca ay 24 na taong gulang na Amerikanong aktor, recording artist at commercial model. Una na siyang nakilala noon dahil sa kaniyang pagganap sa McDonald’s Philippines TV ad noong 2016 na “Tuloy Pa Rin”. Taong 2016 naman ng sumali siya sa Filipino reality search na “Pinoy Boyband Superstar” ngunit hindi siya nakatungtong sa grand finals. Naging bahagi din siya ng horror-fantasy drama series na La Luna Sangre.



Source: Cosmo, Abscbn




error: Content is protected !!