Diana Zubiri, sikat na aktres noon, business woman na ngayon!



Si Rosemarie Joy Garcia-Smith ay mas kilala ng marami bilang si Diana Zubiri-Smith ng publiko. Siya ay 34 na taong gulang na aktres na una nang nadiskubre ng Seiko Films noong siya ay 15 taong gulang pa lamang matapos niyang mag-apply ng trabaho sa Japan.



Taong 2005 nang mas nakilala siya bilang isang aktres sa GMA Network. Ilan sa mga ginampanan niyang karakter ay ang karakter ni Divina sa drama series Linlang at si Danaya sa fantasy series na Encantadia. Regular din siyang mapapanuod noon sa sketch-comedy program na Bubble Gang at naging parte ng mga drama series na Babangon Ako’t Dudurugin Kita, Gaano Kadalas Ang Minsan? at Nita Negrita.


Siya ay nag-aral ng theatre arts sa Miriam College. Mayo 10, 2015 nang magpakasal sila ng kaniyang longtime boyfriend na si Andy Smith sa New Manila, Quezon City. Biniyayaan sila ng kanilang panganay na anak noong Agosto 2016 na pinangalanan nilang Aliyah Rose.


Sa kabila ng pamamayagpag niya sa industriya ng show business ay mayroon pa siyang ibang pinagkakaabalahan, ang kaniyang food cart business. Ilang mga food cart business ngayon ang pagmamay-ari ng aktres. Ilan nga sa mga ito ay ang siomai at fries food cart na makikita sa Lagro at Maginhawa, Quezon City at Marikina Public Market. Mayroon ding Instagram account ang kaniyang mga food cart business upang ma-update ang kaniyang mga customers at mga posibleng maging kliyente.


Bukod sa mga food cart business niya ay mayroon din siyang labingdalawang unit ng mga apartment na pinapaupahan nilang mag-asawa sa ngayon. At kamakailan lamang ay nakabili din silang mag-asawa ng dalawang condo unit matapos ang kaniyang matagumpay na pagganap sa television series na Dragon Lady.



Ipinaparenta ito ng mag-asawa sa usong-uso ngayon na Airbnb. Mayroon din siyang soap business kung saan matatagpuan ang kanilang opisina sa Beauche International by Diana Zubiri sa Marikina City. Mayroon silang ibinebentang beauty soaps, lotions, cleansing formula, at cream. Mayroon din silang sports and workout apparel business.




error: Content is protected !!