Guro mayroong bonus activity para sa kaniyang mga estudyanteng mahilig gumawa ng “meme”



Hindi madali ang magsunog ng kilay sa pag-aaral. Talaga namang marami sa atin ang naglalaan ng kanilang oras, “effort”, at buong puso upang maging masaya at kaaya-aya ang ating buhay estudyante. Sa kabila ng “pressure” sa pag-aaral at sa iba pang mga problemang kinahaharap ngayon ng mga kabataang Pilipino ay nakakatuwang malaman na mayroon pa ring mga tao na nagsusumikap na matulungan ang maraming mga mag-aaral sa maliliit na bagay na kanilan ginagawa.



Kagaya na lamang ng guro na ito na nakaisip ng kakaibang paraan upang magturo at magdulot din ng kasiyahan sa kaniyang mga mag-aaral.


Ang guro na ito ay mula pa sa Tanza National Comprehensive High School. Sa ginawang final examination ng guro ay naglaan ito ng “bonus activity” para sa kaniyang mahal na mga estudyante. Ibinahagi ni Teacher Allan Lomeda Navida sa social media ang inilaan niyang gawain para sa kaniyang mga mag-aaral noong October 16.


Ito ay para sa mga mag-aaral niyang mahilig gumawa at magbasa ng meme sa social media. Ang post ng guro ay talaga namang umani ng sari-saring mga komento at reaksyon mula sa maraming mga netizens. Ang nasabing post ay mayroon nang 53,000 reactions at 97,000 shares sa kasalukuyan.



Isa sa mga memes na talaga namang kinagiliwan ng publiko ay ang sitwasyon kung saan mayroong nahulog na pagkain sa sahig o di kaya naman ay sa lamesa. Kung sa ibang bansa, ang sasabihin ng mga tao roon ay huwag na itong kuhanin o pulutin pa dahil sa marumi na ito, ang mga Pilipino naman ay sanay na sa ganitong pangyayari kung saan sasabihin pa natin na wala pa namang limang segundo kung kaya naman maaari pa itong isubo o kainin.
Marami ang natuwa sa ginawang ito ng guro na ninais lamang na pagaanin ang nararamdaman ng kaniyang mga mag-aaral sa kanilang naging pagsusulit. Laking tuwa naman ng guro dahil lumabas nga ang pagiging malikhain ng kaniyang mga estudyante.

“This finals, I thought of using memes for one, they are mainstream (am aware of how engage my students on social media),” sabi ng guro. “And two, they’re very entertaining plus a good avenue to send the message I’d like to convey⏤on a creative and subtle manner.” Pahayag ng guro.




error: Content is protected !!