Jane De Leon, nagbihis Lara Croft sa ginanap na Black Magic Halloween Party bago pa man lumipad bilang Darna!



Si Jane Florence Benitez De Leon o mas kilala ng publiko bilang si Jane De Leon ay 20 taong gulang na aktres, singer, modelo, at dancer. Siya ay nakilala din bilang dating miyembro ng “Girltrends” na isang female dance group ng ABS-CBN’s noontime variety show na It’s Showtime. Hulyo 17, 2019 nang ianunsyo na ang aktres na nga ang gaganap sa pinakaaabangang superhero film na Darna. Bago pa man ang pagkakapili sa kaniya ay una nang naipabalita na sina Angel Locsin at Liza Soberano ang gaganap bilang Darna ngunit dahil sa kanilang mga “injÜry” na nakuha sa set ay kinailangan nilang bitawan ang nasabing role.



Kamakailan nga lamang ay binulaga ni Jane De Leon ang publiko nang siya ay dumalo sa Black Magic Halloween Party ng ABS-CBN Star Magic na idinaos noong Linggo ng gabi, Oktubre 20 bilang si “Lara Croft”. Marami ang napa-wow at talaga namang na-astigan sa pagbibihis Lara Croft ng Kapamilya actress. Mayroon pa ngang ilang nagsasabi na tila “teen version” siya ng Hollywood star na si Angelina Jolie na gumanap din noon bilang si Lara Croft. Setyembre ngayong taon nang magsimula na ang kaniyang training sa pagsabak niya sa Darna ngunit talaga namang makikita ang napakagandang pangangatawan ng aktres sa kaniyang naging kasuotan sa ginanap na event.


“Ngayon nagte-training ako for body muna, assesments. So hindi pa ako nakakapag-stunts training,” Pahayag ni Jane nang siya ay tanungin sa ginanap noon na ABS-CBN Star Magic Ball.
Ayon pa sa dalaga hindi lamang dapat puro sa pisikal na pangangatawan nakapokus ang kaniyang pagganap sa karakter na Darna.
“Hindi naman puro body lang. Yung mind, spirit, emotionally kailangan din ’yon. Nagtatanong din naman ako kay Direk kung may mga kailangan ba akong malaman for this project,” Dagdag pa ng aktres.


Talaga namang nagningning ang aktres sa kaniyang napagandang karakter bilang si Lara Croft at marami na ang hindi na makapaghintay pa sa kaniyang paglipad bilang si Darna.




error: Content is protected !!