Mga taong late na kung gumising at matulog, mas matalino at alerto kaysa sa mga taong maaga bumangon at maaga matulog!



Marami sa atin ang maagang gumigising at bumabangon sa umaga upang mas matapos ng maaga ang ating mga gawain sa araw-araw. Tulad na lamang ng ilang mga ina ng tahanan na mas pinipili na igayak ng mas maaga ang mga pangangailangan ng mga anak nilang papasok sa eskwela at ang kanilang mga mahal na asawa.



Mayroon din namang iba mga tao na kinakailangang bumangon ng mas maaga upang maiwasan ang laganap na trapiko sa ating bansa. Ayon sa isang pag-aaral ang paggising ng maaga ay nagdudulot ng hindi magandang epekto sa takbo ng pag-iisip ng isang tao o sa konsentrasyon nito.


Ayon sa Psychologist na si Satoshi Kanazawa, napag-alaman ng mga mananaliksik na mas matalino ang mga late risers at night owls kaysa sa mga early birds at early sleepers. Ayon pa sa kaniyang research, 20,745 high school students at 52 middle schoolers ang inobserbahan ng Psychologist at ng kaniyang mga katuwang sa nasabing pag-aaral. Sa mismong mga tahanan nila ito kinapanayam at nagpasagot din sila ng ilang isang “intelligence test”. Limang taon ang lumipas at muli niyang pinatawag ang 15,197 sa mga mag-aaral at inalam nila ang oras ng pagtulog ng mga mag-aaral na ito.


Ayon sa naging resulta ng kanilang pananaliksik, ang mga late nang bumangon at matulog ay nakakuha ng mas mataas na marka sa ginawa nilang “intelligence test”. Ang nasabing pagsusulit ay mayroong mga tanong patungkol sa edukasyon, relihiyon, at kasaysayan ng kultura at tradisyon. Maging ang University of Liege sa Belgium ay nagkaroon din ng ganitong resulta sa naging pananaliksik nila. Gumawa din sila ng pag-aaral sa 15 night owls at 16 early birds. Sinukat ang aktibidad ng utak ng mga mag-aaral isang oras at kalahati pagkatapos bumangon, at 10 at kalahating oras pagkabangon. Sa ginawang pag-aaral ay nakakuha ng pantay na resulta ang mga early birds at night owls sa pagiging aktibo ng kanilang isipan halos dalawang oras matapos silang bumangon.


Source: DefinitelyFilipino




error: Content is protected !!