Larawan ng batang ito na nasa bus, ikinabahala ng kaniyang ina at naging dahilan upang hindi na niya pasamahin pa ang kaniyang anak sa field trip nito.



Marami sa ating mga Pilipino ang naniniwala sa mga kasabihan lalo na pagdating sa mga nakakakilabot na mga bagay na kahit pa nga ang Siyensya mismo ay hindi maipaliwanag. Kung sakaling makakakita ka ng nakakakilabot na bagay na tila gumagaya sa hitsura ng iyong anak, mangangahas ka pa rin kayang pasamahin siya sa bus o sa anumang sasakyan kung saan siya lulan?



Isang nanay nga ang talaga namang kinilabutan nang makita nito ang larawan ng kaniyang mahal na anak habang ito ay nakasakay sa bus patungo sa kanilang field trip. Si ER Peralta ang kasa-kasama ng kaniyang anak sa pupuntahang field trip ng kanilang paaralan. Pansamantala niyang iniwan muna ang anak na si Venice sa loob ng bus upang mag-vape sa labas. Habang nasa labas ng bus ang ama ay nasa bintana naman ang kaniyang anak at tila nagpapapansin sa kaniya habang nakahawak ang kamay nito sa bintana ng bus.


Ibinahagi naman ni ER ang larawan ng anak sa kaniyang misis na si Vanessa de Peralta, at doon na nga nakita ng ina ng bata ang nakakapangilabot na bagay sa larawan mismo ng kanilang anak na nasa loob ng bus. Napansin ng ina na tila mayroong kakaibang anyo sa likuran ng anak na tila gumagaya sa bata. Kahit pa nga ayon sa ama ni Venice ay wala naman talagang kahit sino na nakaupo doon. Dahil sa nangyari ay hindi na pinayagan pa ni Vanessa na umalis ang kaniyang mister at anak na si Venice.


Excited man ang bata na makasama sa field trip ng kanilang klase ay mas minabuti pa ng kaniyang mga magulang na hindi na sumugal pa sa mga ganoong uri ng sitwasyon lalo na kung buhay at kaligtasan ang nakasalalay.


Umani naman ng sari-saring mga komento at reaksyon mula sa publiko ang viral post. Maraming mga netizens ang tila nalungkot dahil sa hindi nakasama ang bata sa kanilang field trip ngunit marami din naman ang tila nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa ginawa ng mga magulang ni Venice ang nararapat.




error: Content is protected !!