A man who was diagnosed with Down Syndrome voluntarily worked as a bagger in a grocery store!



Pumukaw sa atensyon ng publiko kamakailan lamang ang post ng isang netizen patungkol sa isang lalaki na mayroong Down Syndrome na kusang nagtatrabaho bilang isang bagger sa grocery section ng Super Metro sa Naga. Nagsilbing inspirasyon sa maraming mga netizens ang ibinahaging post ni Candice Grace Cabras Maque sa Facebook dahil sa tuwing makikita niya ito sa loob ng nasabing grocery store ay talaga namang tila hinihipo ang kaniyang kalooban.



Nakilala ang lalaki bilang si Laylay. Ayon pa kay Candice, sa tuwing nakikita niya ito ay talaga namang masigasig itong nagpapack ng mga pinamili ng mga customers. Mayroon pa ngang ilang araw na si Laylay mismo ang nagdadala ng kaniyang mga gamit at pinamili.


“I met Laylay most often in Super Metro Naga. He is always of help. Sometimes he volunteers to bring my things, pack my groceries and push my cart,” pagbabahagi ng netizen sa kaniyang post.


Napag-alaman ni Candice na hindi pala opisyal na empleyado ng nasabing establisyemento si Laylay kung kaya naman nanawagan din siya na sana ay bigyan din ng pagkakataon ang mga PWD na katulad ni Laylay na makapagtrabaho nang maayos at marangal at makatulong din sa kanilang mga pamilya pagdating sa pinansyal.

Narito ang ilan sa mga komento ng publiko:


“People with down syndrome are employable. They can work independently if given the chance,” ayon sa netizen.



Sa post nito ay sinabi din ni Candice na sana ay tignan muna ng mga kompanya ang abilidad ng mga taong tulad ni Laylay bago sila husgahan ng mga ito.

“Let’s see the ability first,” dagdag pa ng netizen sa kaniyang post.

Sa panahon natin ngayon mas mainam sana na mabigyan din ng pagkakataon ang mga taong katulad ni Laylay na kahit pa mayroong mga kapansanan ay nagsusumikap pa rin at nagtitiyaga sa kanilang pamumuhay at nagnanais na maging bahagi din ng simpleng pamumuhay ng karamihan sa atin.






error: Content is protected !!