Napakaganda ng “penmanship” ng doktor na ito sa kaniyang prescription na talaga namang hinangaan ng publiko!



“Sana all”, ito na nga marahil ang nasa isipan ng marami sa mga nakakita ng napakagandang “penmanship” ng doktor na ito. Nakasanayan na nating mga Pilipino na bansagan ng “sulat doktor” ang mga sulat na tila hindi natin maintidihan kahit saang anggulo natin ito basahin. Ngunit sa kabila ng katotohanang ito ay naiintidihan pa rin ng mga pharmacists o mga nagtitinda sa botika ang mga preskripsyon ng mga doktor.



Dahil nga sa ganitong kaisapan ng maraming mga Pilipino at sa nakasanayan na natin sa araw-araw ay agad na naging viral ang post na ito ng isang netizen na nakilala bilang si Mark Tirao. Siya ay isang doktor at dahil nga sa ibinahagi niyang larawan ng kaniyang “penmanship” bilang isang doktor ay talaga namang pumukaw sa atensyon ng maraming mga netizens. Sa ibinahagi niyang larawan ng inireseta niyang gamot sa isa sa kaniyang mga pasyente nilagyan niya ito ng caption na, “Dahil sa kaunti ang pasyente ngayon, ganito tayo magreseta.”




Talaga namang umani ng sari-saring positibong komento ang post mg doktor na ito. Dahil sa kung ikukumpara mo nga sa ibang mga sulat ng doktor ay talaga namang aakalain mong na-print sa computer ang mga reseta ni Dok Mark.



Ngunit alam n’yo ba na ayon sa isang pag-aaral ng Department of Public Health sa Swansea, kahit pa payuhan ang mga doktor na gandahan ang kanilang mga sulat ay tila mas nagiging hindi ito kaaya-aya talaga. Tunay nga na mas malala talaga ang paraan nila ng pagsusulat kaysa sa iba pang mga propesyon. Karagdagan pa dito ay ang katotohanan na mas inaayos at nililinawan nila ang mga numero sa kanilang mga reseta upang mas makita ng malinaw ng mga pasyente ang mga gabay para sa tamang dosage ng kanilang gamot.




Marahil ay mayroon pang mas malalim na dahilan kung bakit hindi mabasa ng karamihan sa atin ang mga gamot na nirereseta ng mga doktor na mas makabubuti para sa kapakanan ng marami.






error: Content is protected !!