Proud sa kaniyang pinagmulan ang debutante na ito dahil sa Cordillera theme ang tema na kaniyang ninais para sa kaniyang debut!



Ang debut o ang ika-18 taong kaarawan ng mga kababaihan ay talaga namang napakahalaga para sa kanila. Ito ang pinakahihintay nilang panahon kung saan magsisimula na ang panibagong yugto ng kanilang buhay dahil sa sila ay nasa wastong gulang na.



Marami sa mga kababaihan na nagdidiwang ng ika-18 taon nilang kaarawan ang talaga namang pinaghahandaan ang selebrasyon ng kanilang debut. Mula sa lugar na pagdarausan ng kanilang debut party, sa mga gown na kanilang susuotin, sa mga pagkaing ihahanda, sa programang gagawin sa araw mismo ng debut, at maging sa mga taong iimbitahin ay talaga namang pinagtutuunan ng pansin.


Ngunit tila higit pa rito ang ginawang paghahanda ng isang dalaga na taga-Baguio. Hindi na siya nahirapan pang mamili o mag-isip ng tema para sa kaniyang debut party dahil batid na niya ang gusto niyang tema para sa espesyal niyang kaarawan. Ang kultura at tradisyon nila bilang Cordilleran ang kaniyang pinili na maging tema para sa kaniyang kaarawan.


Ang debutante ay nakilala bilang si Caitlin Evangelista. Aakalain mo bang bukod sa pagkain, damit, ayos ng venue, at mga souvenirs ay ibinase nila sa kultura at tradisyon ng mga Igorot sa Cordillera. Ang ina ni Caitlin ay isang Igorota kung kaya naman ganoon na lamang ang kaniyang pagpapahalaga sa kanilang nakagisnang tradisyon.


Itinampok din ang kakaibang selebrasyon na ito sa TV Patrol at inamin ng mag-ina na habang ginagawa nila ang preparasyon para sa espesyal na okasyon ay talaga namang kinakabahan sila kung magtatagumpay nga ba ito dahil sa hindi ito ang nakagisnan na pagdiriwang ng debut sa ating bansa.



Ngunit sa kabila nito ay talaga namang ipinagpapasalamat nila ang pagiging matagumpay ng nasabing pagdiriwang dahil na rin sa mga tao na naging bahagi nito. Labis na hinangaan ito ng maraming mga netizens dahil sa kaniyang pagmamahal at pagbibigay halaga sa kinalakihan niyang tradisyon at kultura ng mga Igorot.




error: Content is protected !!