Senador Bong Go proud na proud sa kaniyang topnotcher na anak: “Pareho Kaming Top 3”



Masayang ibinahagi ni Senador Bong Go ang magandang balita na ang kaniyang anak na si Christian Lawrence Go ay nasa ikatlong pwesto sa ginanap na Certified Public Accountant (CPA) licensure examination na ginanap nito lamang Oktubre 2019. Inilabas na nga ng Professional Regulation Commission (PRC) ang naging resulta ng October 2019 CPA board exam kung saan ang kaniyang anak ay nakakuha ng rating na 89.50%. ang tagumpay na ito ng anak ng senador ay talaga namang kahanga-hanga dahil halos 14.32% lamang ng mga kumuha ng nasabing eksaminasyon ang nakapasa. Ang nakababatang Go ang ikatlo sa 2,075 na mga Certified Public Accountant na nakapasa sa halos 14,492 na kumuha ng CPA board exam.



Talaga namang humanga ang maraming mga netizens sa tagumpay na ito ni Christian ngunit marami sa mga nakakakilala sa kaniya ay hindi na nagtaka sa tagumpay na ito ng nakababatang Go. Dahil na rin sa nagtapos siya bilang isang “summa cum laude” sa kursong BS Accountancy sa De La Salle University sa Maynila. Miyembro din siya ng “Jose Rizal Honors Society” at isang “consistent honor student” at “gold medalist”.

Dahil nga nang mga panahon na iyon ay nasa Japan si Senador Bong Go, kasa-kasama ng Presidente Rodrigo Duterte ay proud na proud at masayang-masaya nitong binati ang kaniyang anak sa kaniyang naging tagumpay kasunod ng pagpuri nito sa lahat ng mga sakripisyong ginawa ng anak para sa kaniyang pag-aaral.
“I am very proud of my son. Hindi ko mailarawan ang kaligayahang nadadama ko ngayon. Matapos ang ilang taong pag-aaral, nagbunga din ang sakripisyo. Bilang isang ama, wala akong ibang hinahangad kundi makitang matagumpay ang aking mga anak.” Pahayag ng Senador.



Pabiro pang nagkomento ang pulitiko dahil sa diumano ay pareho na silang “Top 3”, siya sa kaniyang licensure exam habang ang senador naman sa nakaraang halalan.

“Nagkataon na pareho kaming top 3— ako noong nakaraang halalan at siya ngayon naman sa CPA licensure exams,” Pagbibiro pa ng Senador.





error: Content is protected !!