Viral video ni alyas Linda at Tata Alexander sa isang barangay hall usap-usapan ngayon sa social media!



Viral ngayon sa social media ang kwento ng isang alyas Linda at Tata Alexander sa isang barangay hall. Marami ang natuwa dahil sa matapang na pagsasampa ng kaso ni Tatay Alexander laban kay alyas “Linda”, sa kaniyang ama, mga kapatid, mga kaibigan ng mga kapatid nito at ang e-jeepney driver na nagbigay ng signal sa alyas “Linda”. Ngunit mayroong panibagong video ng aktwal na komprontasyon ng dalawang panig na naganap sa loob ng barangay hall.



Sa nasabing video na nakarating sa programa na “Raffy Tulfo in Action” sa TV5 ay ibinunyag ni Tata Alexander na mas dinagdagan pa ng pamilya ni alyas “Linda” ang mga pasa niya sa katawan kahit pa nga mayroong mga opisyal ng barangay at tanod sa mismong barangay hall na pinangyarihan ng insidente. Napag-alaman din ng programa ni Raffy Tulfo na ang ama ni alyas “Linda” ay dati pa lang tanod kung kaya naman nagkaroon ng mga espekulasyon na diumano ay pinapanigan ng mga opisyal ng barangay ang mga taong nanakit sa kawawang matanda. Marahil ay kainuman din ng mga tao roon ang nasabing ama ni alyas “Linda”.


Makikita sa CCTV footage ang pamilya ni alyas “Linda” at kung ano ang ginawa nila kay Tata Alexander kagaya na lamang ng kaniyang ikinukwento. Ang mas nakakalungkot pa ay mayroon silang kasamang bata na nakasaksi rin ng hindi kanais-nais nilang ginawa. Sinasabi pa na ang bata sa nasabingvideo ay anak ni alyas “Linda”. Kahit pa nga mayroong musmos na bata na maaaring makakita ng hindi magandang asal ng mga matatanda ay hindi nag-atubili ang mga ito na gawin iyon sa matanda.


Matatandaang tila hihimatayin pa ang isang babae habang humihingi ng kapatawaran mula kay Tata Alexander ngunit hindi ito pumayag, ito pala ang isa sa mga tao na aakma pa ng sapak sa kaniya sa viral video na ito sa loob ng barangay hall.





error: Content is protected !!