Ito ang mga dating larawan ni Claudine Barretto na talaga namang mamamangha ka sa kaniyang angking kagandahan at husay sa kaniyang larangan!



Taong 1992 nang unang mapanuod ng publiko ang 40 taong gulang na aktres na si Claudine Barretto sa “youth-oriented variety show” na Ang TV. Matapos nito ay napili siya upang maging bahagi ng cast ng comedy sitcom na “Home Along Da Riles” at noong taon din na iyon ay nagkaroon ito ng “film adaptation” na naging opisyal niya ding pagsabak sa mundo ng pelikula.

Taong 1997 naman nang ipalabas ang telebisyon drama series na “Mula Sa Puso”, halos tatlong taon din itong ipinalabas sa Kapamilya network noon. Dahil sa mga matagumpay niyang proyekto at natatangi niyang husay sa pag-arte ay kinilala siya ng publiko bilang “The Optimum Star”.



Isa si Claudine sa Top 20 na mga artista na talaga namang hinangaan ng publiko sa loob ng halos isang dekada mula 2000 hanggang 2009. Bukod pa roon ay nakatanggap na rin siya ng maraming mga karangalan at pagkilala sa kaniyang karera. Maraming mga tao ang sasang-ayon na isa siya sa pinakamahuhusay na aktres ng kaniyang henerasyon.

Ang huling pelikula niya ay mayroong pamagat na “Etiquette for Mistresses” na ipinalabas noong 2015. Matapos nito ay napabalita na nagkasakit ang aktres kung kaya naman hindi na ito nakakagawa pa ng mga proyekto sa telebisyon at pelikula. Bukod pa sa kaniyang medikal na kondisyon ay kinailangan niya din sumailalim sa anim na mga operasyon sa loob lamang ng apat na buwan.
Marami ang talaga namang nasabik sa muling pagbabalik ng beteranang aktres, marami sa kaniyang mga larawan ang nagpahanga sa maraming mga netizens. At ilan pa nga sa kanila ay hindi maiiwasang mapa-throwback sa mga magagandang larawan ng aktres.



At ngayon nga ay muli na siyang nagbabalik sa telebisyon dahil sa nakaraang pagganap niya sa programang “Maalaala Mo Kaya” sa isang episodes na ito na pinamagatang “Dance Floor” noong Abril 2019. Siya ay mahusay na gumanap bilang isang ina sa kaniyang anak na mayroong “Guillain-Barre Syndrome”.



error: Content is protected !!