Nag-hotel ang lalaki na ito upang maligo dahil sa naputulan sila ng tubig, laking gulat niya nang makita ang nobya na may kasamang matandang lalaki sa hotel!



Ang gusto lamang ng lalaki na ito ay makaligo ng maayos kahit pa nga naputulan sila ng supply ng tubig sa kanilang lugar kung kaya naman mas minabuti na niyang magtungo sa isang hotel upang doon makaligo ng maayos. Ngunit tila pinagsakluban siya ng langit ay ng lupa ng makita niya ang pinakamamahal niyang nobya na mayroong kasama na matandang lalaki na nag-check-in din sa nasabing hotel kung saan siya nagpalipas ng oras at upang makaligo na rin.



Ito ay naganap sa Hanoi, Vietnam kung saan ang nobyo ay nagpatago na lamang sa alyas na Aki. Dahil sa grabeng pagbaha sa kanilang lugar ay pansamantalang pinutol ang supply ng kanilang tubig. Kailangan niyang pumasok sa trabaho isang araw at dahil nga ilang araw na rin ang nakalilipas mula nang huling beses siyang nakaligo ay napagdesisyunan na niyang magtungo sa isang hotel upang doon makapaligo. Nakadiskwento pa nga si Aki nang sabihin niya sa namamahala ng hotel na kailangan lamang niyang maligo at hindi siya matutulog sa kwarto.

Habang naghahanda si Aki sa pagligo ay may narinig siyang boses ng magkasintahan sa tabi ng kaniyang kwarto at tila nadinig pa nga niya na kaboses talaga ito ng kaniyang kasintahan. Mumurahin lamang talaga ang hotel na iyon kung kaya naman sa nipis ng pader ay madali mo talagang maririnig ang mga taong nag-uusap sa kabilang silid.


Makalipas ang ilang minuto ay lalo pang naging sigurado ang kaniyang pakiramdam na nobya niya talaga ang naroon kung kaya naman nag-ipon siya ng lakas ng loob na kumatok sa kabilang kwarto upang makumpirma niya kung nobya niya talaga ang babae doon. Talaga namang gumuho ang kaniyang mundo ng makita ang kaniyang nobya na may ginagawang hindi kanais-nais sa loob ng kwarto kasama ang isang matandang lalaki. Hindi na napigilan pang kumalma ni Aki at talaga namang nagwala ito at halos mahimatay na. Awang-awa naman sa kaniya ang mga staff ng hotel at mga netizen na nakakita ng kaniyang larawan sa social media.





error: Content is protected !!