Xian Lim sinorpresa si Kim Chiu ng mga bulaklak kahit wala namang okasyon, labis na kinakiligan ng publiko!



Hinangaan ng publiko at labis na kinakiligan ang pagdadala ng mga bulaklak ng aktor na si Xian Lim sa kaniyang nobya na si Kim Chiu isang gabi kahit pa nga wala naman talagang kahit na anong okasyon na pinagdiriwang ng magkasintahan. Ito ay ibinahagi ng Chinita Princess noong Oktubre 26. Ayon sa aktres, isang simpleng gabi ang talaga namang naging espesyal matapos na sorpresahin siya ng kaniyang nobyo. Ito ang naging caption ng Kapamilya actress:



“One of those rare nights when you decided to put on a super heavy moisturizer plus full on night cream, serum, and many more on my face,” wrote Kim on the caption. She continued, “then suddenly this guy pops up on my door step with a huge [bouquet of flowers] with no occasion.” Pahayag ng aktres.



Nagpasalamat din si Kim dahil sa nakakakilig na sorpresa ni Xian para sa kaniya kung saan ang kaniyang ordinaryong gabi ay ginawa niyang espesyal. Napakaraming mga netizens naman ang nagbahagi ng kani-kanilang mga opinyon at reaksyon sa napakasweet na sorpresa ng Kapamilya actor. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:


“Haba ng hair ni Kim (@chinitaprincess). You are so lucky for having Xian in your life. Sobrang mahal na mahal ka niya,” ayon kay @lizettefranco1978.



“Aww so sweet. Still the same Xian. He never fa!ls and full of surprises,” pahayag naman ni @melaniefabian59.

“So sweet of Xian! During wee hours, you visited and gave a bouquet of pink roses to our @chinitaprincess. You truly love and care for Kimmy, still consistent with your affection and love. After 8 years of being together, nothing has changed,” sambit naman ni @femaldepo.



Talaga nga namang “sana all” na lang ang masasambit mo sa sweet gesture na ito ni Xian para kay Kim. Maraming mga kababaihan ang tila medyo naiinggit sa Chinita Princess dahil sa totoo lang ay hindi madaling makahanap ng isang lalaki na katulad ni Xian na araw-araw ipararamdam sa iyo na mahalaga ka at mahal ka niya. Sana all talaga di ba?



error: Content is protected !!