Gretchen Barretto nagbakasyon grande sa Estados Unidos, inulan ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko!

Si Gretchen Barretto ay 49 na taong gulang na aktres at kilalang personalidad sa mundo ng show business at maging sa social media. Siya ay ika-lima sa pitong mga anak nina Miguel Alvir Barretto at Estrella Castelo Barretto. Dalawa sa kaniyang mga kapatid ay kilala rin sa industriya ng show business, si Marjorie at Claudine Barretto. Maging ang anak ni Marjorie na si Julia Barretto ay kilala rin bilang isang sikat na aktres sa ngayon. Mayroon siyang isang anak sa kaniyang partner na si Antonio “Tony Boy” Cojuangco Jr. na si Dominique.

At dahil nga isa ang kanilang pamilya sa pinaka pinag-uusapang pamilya sa ngayon ay napagdesisyunan muna ni La Greta na mamahinga at lumipad paalis ng bansa matapos ang maiinit na batuhan nila ng salita ng kapatid niyang si Marjorie. Enjoy na enjoy niya ang glamoroso niyang bakasyonm sa San Francisco, California. Pahayag din ng aktres, ang lugar na ito ang minsan na nilang tinirhan at talaga namang napakasarap mamuhay sa ganitong kapaligiran.

Talaga nga namang ang bakasyon na ito ni Gretchen ay napakaglamoroso at hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataon na maranasan din ang kaginhawaan at karangyaan na kaniyang tinatamasa sa kaniyang buhay.

 

View this post on Instagram

 

Life in San Francisco ??

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Marami ang nagbabato ng masasakit na salita sa kaniya ngunit sa kabilang banda ay talaga namang hinahangaan din siya dahil sa kaniyang pagiging matatag sa kabila ng mga naging karanasan niya sa buhay lalo na sa kaniyang buhay pamilya. Mayroong mga netizens na nagsasabing kabit siya at hindi siya magandang impluwensiya sa maraming mga kababaihang Pilipino ngunit marami pa din naman ang naniniwala sa kaniya at sumusuporta sa mga magagandang ugali nito at labis na pagpapahalaga sa kaniyang mga mahal sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

Its a Beautiful warm day to be around this area ?? video credit ana

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Sa ngayon ay usap-usapan nga sa publiko ang gulo ng pamilya Barretto ngunit sa kabila nito ay marami pa ring mga tao ang nagnanais na magkaayos na rin sila sa wakas. Dahil hindi naman sa lahat ng panahon ay magkakaroon tayo ng pagkakataong humingi ng tawad sa mga taong nasaktan natin o di kaya naman ay makapagbigay ng kapatawaran sa mga taong nakasakit sa atin.



error: Content is protected !!