Misis nag-boyfriend dahil sa kapabayaan ni Mister!



Ang pagbuo ng sariling pamilya ay hindi kasing dali ng gaya ng iniisip natin. Maraming mga bagay ang dapat isaalang-alang sa pagkakaroon ng maayos at masayang pamilya. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kwento ng pamilya Anore kung saan ang ilaw ng kanilang tahanan ay nagkaroon ng relasyon sa ibang lalaki.



Ang mister ay nakilala bilang si Edmundo Anore, 44 taong gulang at nagtatrabaho bilang isang karpintero. Kasama din nito ang kanilang anak na si Lance Anore, 15 taong gulang at nasa Grade 8 na nang sila ay dumulog sa programa ni Raffy Tulfo upang ireklamo si Mary Ann Anore, 35 taong gulang at isang kasambahay.

Nagkaroon ng pagkakataong magkausap ang mag-asawa sa telepono, at doon na nga nabunyag na ang dahilan pala ng pakikipagrelasyon ng misis ay ang kapabayaan ng kaniya mismong mister. Isang insidente ang nangyari noon kung saan binigyan ni Edmundo si Mary Ann ng kamoteng-kahoy mula sa kanilang kapit-bahay na naging dahilan upang mapunta ito sa bingit ng kamatayan.




At nang halos hindi na ito makahinga dahil sa kinain na kamoteng-kahoy ay iniwanan lamang ito ng mister at umupo sa labas ng kanilang bahay at hinayaan siya sa ganoong kalagayan hanggang tumulong na ang kumpare ng kaniyang mister at pinakain siya ng maraming asukal hanggang sa maging mabuti na ang kaniyang pakiramdam. Giniit naman ni Edmundo na binigyan niya ng “first aid” ang misis nang mangyari iyon. Inamin din ni Mary Ann na noon pa man ay sinasaktan na sya ni Edmundo hanggang sa magkaroon sila ng mga anak.


At dahil nga walang trabaho si Edmundo ay nagdesisyon si Mary Ann na maging kasambahay para sa pangangailangan ng kanilang dalawang mga anak. Kung sa kabila ng pagsusumikap at pagsuporta ni Mary Anne sa kanilang pamilya ay puro panunumbat pa rin ang nakuha nito mula sa asawa. Sa ngayon ay mas pipiliin pa ng misis na makulong kaysa bumalik sa piling ng kaniyang mister.




error: Content is protected !!