Guro malubha ngayon ang kondisyon sa ospital matapos niyang yakapin ang kaniyang mga estudyante habang lumilindol!



Kamakailan lamang ay nagulantang ang buong Pilipinas dahil sa mga sunod-sunod na paglindol sa iba’t-ibang bahagi ng bansa lalo na sa ilang mga lugar sa Mindanao. Isang netizen na nakilala bilang si MarkyMark Masamloc Ajero ang nagbahagi ng malubhang kalagayan ngayon ng kaniyang ina na isa pa lang guro sa kaniyang Facebook account.



Ayon sa netizen, ang kaniyang ina na si Erlinda Ajero ay isang day care teacher sa Rodero Day Care Center sa Rodero, Makilala, North Cotabato. Dahil sa lakas ng natamong lindol ng kanilang lugar ay mas minarapat na lamang ng kaniyang ina na protektahan ang kaniyang mga mag-aaral upang hindi na sila matamaan pa ng kung ano mang babagsak habang lumilindol.


Para sa kaligtasan ng kaniyang mga estudyante ay niyakap niya ang mga ito na naging dahilan rin upang tamaan siya ng bumagsak na dingding ng kanilangsilid-aralan. Humihingi ng dasal ang anak para sa kaniyang ina na sa ngayon ay nagpapagaling mula sa natamo niyang matinding pinsala gayundin ang ilang mga day care na estudyante na nagtamo ng “mild injÜry”. Talaga namang hinangaan ng husto ng publiko ang ginawang ito ng guro para sa kaniyang mga mag-aaral na kahit pa nga sarili niyang buhay ang maging kabayaran ay hindi na niya ito inalintana pa. Tunay ngang mayroon pa ring mga tao sa panahon natin ngayon ang hindi mag-aatubiling tumulong sa ibang tao kahit pa nga sarili nilang buhay o katawan ang maging kapalit.


Marami ang sumasaludo sa gurong ito at sana ay mas marami pang mga tao ang kapulutan ng aral ang napagandang halimbawa na ito ni Teacher Erlinda. Nawa ay gumaling na siya ng tuluyan at patuloy siyang maging huwaran at inspirasyon sa maraming mga tao. Ang mga guro na katulad niya ay hindi lamang mga guro kundi sila ang ilan sa mga taong maghahangad na ikaw ay mapabuti at hindi mapahawak kahit pa sa gitna ng kalamidad.





error: Content is protected !!