Isang tricycle driver natuklasan na ang kaniya palang misis na OFW ay mayroong nobyong Pakistani at ilan pang mga nobyo na Pinoy!



Halos karamihan ng mga Overseas Filipino workers (OFW) ay nakakaranas ng problema sa naiiwan nilang asawa at pamilya dito sa Pilipinas. Marahil ay dahil na rin sa labis na kalungkutan at ang pagkakaiba ng oras at panahon sa bansang kanilang kinaororonan.



Kadalasan nga ay sa sobrang pagkabagot ng ilang mga OFW ay nagagawa nilang makipagkilala o di kaya naman ay makipagkaibigan sa ibang tao lalo na ngayon na napakalawak na ng social media sa maraming mga bansa sa mundo.


Kamakailan lamang, ang tricycle driver na ito ay humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa nais na niyang mapa-deport ang kaniyang misis na napag-alaman niyang nakikipagrelasyon sa hindi lamang isang lalaki kundi higit pa! sa loob ng siyam na araw ay matiyagang naghintay ang 27 taong gulang na tricycle driver na nakilala bilang si Joco Diaz Francisco sa labas ng tanggapan ng “TV5” kasama ang kaniyang dalawang maliliit na anak upang humingi ng tulong kay Raffy Tulfo at sa programa nito tungkol sa kaniyang misis na si Marietta Francisco, 25 taong gulang na nagtatrabaho bilang isang “domestic helper” sa Oman.


Dahil sa hindi na masyado pang nakakausap ng mister ng kaniyang mga anak ang asawa ay kinukutuban ito na mayroon na itong ibang karelasyon sa ibang bansa. At dahil na rin sap ag-post ngisang larawan ni Marietta kasama ang Pakistani na driver ng pamilyang kaniyang pinagsisilbihan ay mas tumindi ang kaniyang paniniwala na may hindi nga magandang ginagawa ang ilaw ng kanilang tahanan sa ibang bansa.


At kahit pa nga ayaw ibigay ng kaniyang misis ang “password” nito sa Facebook ay matiyaga niya itong sinubukang buksan hanggang sa tumama siya ng kombinasyon at dito nga ay mas nagulantang pa siya dahil sa dami ng mga lalaking nakaka-chat ng kaniyang misis!



Pinayuhan na siya ni Raffy Tulfo na hayaan at kalimutan na lamang ang kaniyang misis at nangakong tutulungan siya nito sa kaniyang paghahanap-buhay ngunit mas nais pa ni Joco na tanggaping muli ang kaniyang kabiyak dahil sa hindi niya rin alam at hindi niya rin kayang sabihin sa kanilang dalawang mga anak ang ginagawa ng kanilang ina sa ibang bansa.




error: Content is protected !!