Judy Ann Santos, ibinahagi ang nakakaantig na paliwanag kung bakit niya inampon ang anak niyang si Yohan!

Si Judy Anne Lumagui Santos o mas kilala ng publiko bilang si Judy Ann Santos ay 41 taong gulang na aktres, reality television host, recording artist, film producer at isang epektibong Social Media Influencer/Vlogger sa kaniyang Youtube Channel na Judy Ann’s Kitchen.

Siya ay binansagang “Young Superstar” dahil sa pagiging tagapagmana niya ng trono ng batikan at mahusay na haligi ng pelikulang Pilipino si Nora Aunor. Siya rin ay kinikilala bilang isa sa pinakamahuhusay na aktres ng industriya ng show business kasama nina Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano. Siya rin ay binansagang “Prime Superstar” at “Queen of Philippine Soap Opera” dahil sa kaniyang husay at galing sa kaniyang larangan.

Taong 2005 nang ampunin niya ang anak na si Yohan. Taong 2004 naman nang makilala niya ang kaniyang mister na ngayon na si Ryan Agoncillo sa television series nila na “Krystala”. Nag-date ang dalawa hanggng sa ipinabatid nila sa publiko ang tungkol sa kanilang pagpapakasal sa isang private resort sa Dumaguete, Negros Oriental.

Ang kanilang pribadong kasal naman ay ginanap sa San Juan de Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas noong Abril 28, 2009. Taong 2006 nang buksan niya at patakbuhin ang kaniyang bar/restaurant na “Kaffe Carabana” sa Quezon City. Sa ngayon ay masaya ang kanilang tahanan at mayroon na silang tatlong mga anak sina Yohan,14 taong gulang, si Lucho, 8 taong gulang at si Luna, tatlong taong gulang.


Kamakailan lamang ay umantig sa publiko ang pagpapaliwag ni Judy Ann sa kaniyang anak kung bakit siya nito inampon sa edad na 26 anyos. Ayon sa aktres, “Early on pa lang naman nung relationship namin ni Yohan, nung kaming dalawa pa lang, alam ko nang nakaka-intindi na siya, sinabi ko na sa kaniya, pinaintindi ko na sa kaniya. I explained to her. Kasi ayoko na magkaroon siya ng grudge na itinago ko sa kaniya.”

“Ang fear ko kasi may ibang taong mag marunong at mag-atribida na sabihin tapos not in nice context tapos maging iba yung dating doon sa bata. So it was a decision I had to make, crossing my fingers, lifting everything to the Lord na bahala ka na don,” pagpapahayag pa ng aktres.

“Ngayon mas napapag-usapan na namin nang maayos, nang kumportable sa kaniya, naipaintindi ko sa kaniya na ‘being adopted is not a bad thing’ it is actually the most beautiful word in the world. Simple because the word adoption, I adopt you because I want you to be my family. I choose you. Sabi ko sa kaniya, you were the first one who came before dad. So I was a mother first, before a wife so tandaan mo yan. So nung medyo hindi niya pa makuha pero eventually naintindihan na niya.” Pahayag pa ng “Starla” actress.



error: Content is protected !!