Claudine Barretto binigyan ng mamahaling sapatos na “Louboutin” si Francine Diaz!

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ng publiko ang mamahaling sapatos na walang kaabog-abog na ibinigay ni Claudine Barretto sa Kadenang Ginto star na si Francine Diaz. Talaga namang nagulat at nabigla ang publiko sa ginawa na ito ng Optimum Star na si Claudine Barretto sa isa sa papasikat na nga teen stars ngayon sa industriya ng show business na si Francine Diaz.

Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi ni Bianca Lapus ang pagnanais ni Claudine na makilala ng personal si Francine kung kaya naman malugod nitong tinanggap ang nakababatang aktres sa kaniyang tahanan at ipinaghanda pa niya ng masasarap na pagkain. Pagbabahagi pa ni Bianca ay tinanong ni Claudine ang sukat ng paa ni Francine at maya maya ay mayroon na nga itong dala-dalang isang pares ng “Christian Louboutin shoes”.

“And to our surprise naghanda talaga si Clau ng food and eto na nga ang biggest surprise of all … My very sweet and generous Besty, out of nowhere asked Chin her shoe size and said, ok wait. Pagbalik (sayang hindi ko na-video ‘yun kasi maski ako nagulat haha.) While Clau was walking towards us, I remembered those shoes! Those are the #LOUBOUTIN pair she used for her recent Metro mag-sh00t bagong-bago at walang kaabog-abog binigay kay Chin.” Pagbabahagi ni Bianca sa kaniyang social media account.

Ang nasabing mamahaling sapatos ay ang mga sapatos na sinuot ni Claudine sa isa sa kaniyang fashion magazine sh00t. Kitabg-kita naman sa mukha ni Francine ang labis na kasiyahan sa natanggap na mamahaling regalo mula sa isang sikat na personalidad.

 

View this post on Instagram

 

We visited @claubarretto late last night after @francinesdiaz attended the ABSCBN trade launch even though it was late already when i told her and her sisters and mom that Clau really wanted to meet chin, they immediately said yes bilang favorite nila si Clau and her movie #Anak and to our surprise nag handa talaga si clau ng food and eto na nga ang biggest surprise of all…. My very sweet and generous besty, out of nowhere asked Chin her shoe size and said ok wait…. pagbalik (sayang diko navideo yun kasi maski ako nagulat haha.) while clau was walking towards us i remembered those shoes! those are the #LOUBOUTIN pair she used for her recent metro mag ***** bagong bago at walang kaabog abog binigay kay Chin. It may be a small thing to others but the kind gesture Claudine did for a well deserved rising star like Francine and for her to take time out to visit just to make clau smile is such a precious moment. Sana makapag work sila soon . ?❤?#TheOptimumstar #claudinebarretto #francinediaz

A post shared by Lalaine Bianca Lapus (@biancalapus) on

“Sobra ko po kayong hinangaan sa pag-arte at mas lalo po akong humanga sa inyo noong nakita ko kung gaano kayo kabait.” Pahayag ni Francine para sa kaniyang “mama loves” na si Claudine.

Talaga namang umani ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko ang ginawa na ito ng batikan at beterananang aktres.



error: Content is protected !!