Daring photo ng Kapamilya actress na si Nadine Lustre, bentang-benta at pinagpiyestahan ng publiko!

Si Nadine Alexis Paguia Lustre o mas kilala ng publiko bilang si Nadine Lustre ay 26 taong gulang na aktres, mang-aawit, at music video director. Siya ay dating miyembro ng “all-female group” na “Pop Girls”. Gumanap din siya bilang si Georgina Evangelista sa television remake ng 1984 na pelikulang “Bagets”. Mas lalo pa siyang nakilala nang gumanap siya bilang si Eya sa film adaptation ng sikat na “wattpad novel” na “Diary ng Panget” noong 2014.

Kamakailan lamang ay nawindang at talaga namang nagulantang ang publiko dahil sa mga makapigil hiningang larawan nito. Umani ng napakaraming mga komento mula sa publiko ang mga larawang ito ni Nadine.

Labis na hinangaan ng kaniyang mga tagahanga si Nadine dahil sa napakagandang kutis nito, hubog ng katawan, at kaakit-akit na kagandahan. Bukod pa sa angkin niyang panlabas na kagandahan ay talaga namang mayroon din siyang mabuting kalooban.

Ang mga nakakabighaning larawan ni Nadine ay ibinagi ng kaniyang malapit na kaibigan na si Dokie Ducay na isang celebrity photographer na kuha para sa kaniyang ika-26 na taong kaarawan. Ngunit bukod sa marami niyang mga tagahanga na manghang-mangha sa kaniya ay mayroon ding ilang mga tao ang hindi napigilan na magsalita sa kaniya ng hindi magagandang mga komento dahil sa mga larawan nito na nagpapakita ng kaniyang magandang likuran at ng kaniyang napakagandang hubog.


Sa mga larawan ni Nadine na walang suot na pang-taas at nakasuot lamang ng maong ay talaga namang mapapansin ang pinaghirapan nitong katawan at ang disiplina nito sa kaniyang sarili na nagsisilbing inspirasyon para sa maraming mga kababaihan. Nakilala din bilang “Slay Queen” o “Hubadera Queen” si Nadine dahil sa kaniyang mga nakakabighaning larawan sa kaniyang social media account.

Ang pagkakaroon niya ng morenang kutis ay hindi rin nito nais pang maiba dahil sa mahal niya ang kaniyang natural na kulay at ipinagmamalaki niya ito. Kung kaya naman mas marami pa ang nagmamahal at sumusuporta sa kaniya bilang isa sa pinakamagandang mukha sa industriya ng show business.



error: Content is protected !!